Wa’ na raw ‘pork barrel’, pero meron pala at pagkalaki-laki pa!
- BULGAR

- May 7
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 7, 2025

SENATE MINORITY LEADER SI SEN. PIMENTEL PERO ANG IKINAKAMPANYA ANG MGA ‘MANOK’ SA PAGKA-SENADOR NG MARCOS ADMIN -- Pinuputakti ngayon ng batikos ng netizens sa social media si Senate Minority Leader Sen. Koko Pimentel dahil sa pag-endorso nito sa mga senatorial candidates ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM).
Mababatikos talaga siya kasi bilang Senate Minority Leader ay siya ang umaaktong lider-oposisyon sa Senado, tapos ang iniendorso niya ay mga “manok” ni PBBM sa pagka-senador, period!
XXX
NAGPABIDA NA NAMAN ANG COMELEC, ILANG ARAW NA LANG ELEKSYON NA KAYA MALABO NANG MAIPADISKUWALIPIKA ANG MGA LUMABAG SA CAMPAIGN MATERIALS -- Ayon sa Comelec, higit 30 kandidato raw ang nahaharap sa disqualification cases dahil sa illegal campaign materials.
Hay naku, nagpabida na naman ang Comelec, eh kasi imposibleng mapadiskuwalipika pa ng komisyon ang mga lumabag na iyan dahil nga ilang araw na lang ay eleksyon na, boom!
XXX
PARANG SINABI NI SEN. PADILLA NA PABAYA ANG MARCOS ADMIN -- Sa pamamagitan ng Facebook post ay humingi ng paumanhin si Sen. Robin Padilla sa publiko kaugnay sa malaking pagkukulang ng gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni Sen. Padilla na pabaya ang gobyernong Marcos kaya hindi makapaghatid ng tamang serbisyo sa publiko, period!
XXX
WA’ NA RAW ‘PORK BARREL’ MERON PA PALA AT PAGKALAKI-LAKI PA -- Hiniling ni Bayan Muna partylist former Rep. Neri Colmenares sa Supreme Court (SC) na ideklarang unconstitutional ang P449.5 billion “unprogrammed funds” na nakapaloob sa 2025 national budget dahil aniya ito ay isang uri ng pork barrel.
Sabi noon ng mga senador at kongresista ay wala na raw pork barrel, pero meron pa pala, at pagkalaki-laki pa, boom!







Comments