VP si Atienza… PACQUIAO, IPINAGSIGAWANG 'MAN OF DESTINY' SIYA
- BULGAR
- Oct 2, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 2, 2021

Kahapon (October 1) ang unang araw ng filing of candidacy para sa 2022 elections.
Isa sa mga unang nag-file ang atleta-senador na si Manny Pacquiao na tatakbo bilang presidente ng Pilipinas.
Agaw-pansin si Manny sa ginamit niyang malaking sasakyan patungong Sofitel Hotel kung saan ginanap ang COC filing.
Sa nasabing malaking bus ay may nakasulat na “Man of Destiny” sa body nito.
Kasama ni Sen. Manny ang misis niyang si Jinkee sa pagpa-file ng Certificate of Candidacy. Ang Buhay Partylist Representative na si former Manila Mayor Lito Atienza ang runningmate ni Pacquiao.
After mag-COC ni Manny ay kinuyog na siya ng mga reporters. Tanong sa kanya, saang partylist siya nakaproklama bilang presidente?
Ani ng former 8-Division world boxing champion, tumatakbo siya sa ilalim ng banner ng Promdi partylist, saying that his PDP-Laban faction has coalesced with Promdi.
Ayon naman kay Jinkee, siya at ang buong pamilya ay laging nakasuporta kay Manny no matter what happens.





Comments