VP Sara, parang sinabi na wa’ ‘wenta ang SONA ni PBBM kaya ‘di siya dadalo
- BULGAR

- Jun 25
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 25, 2025

KAPAG NA-DISMISS AGAD ANG IMPEACHMENT NI VP SARA, TIYAK MAGNGANGANGAWA SA INIS ANG MGA ANTI-DUTERTE SENATOR -- Sinagot na ng mga defense lawyer ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang mga nakasaad sa "articles of impeachment" na ipinadala sa kanya ng Senado na tumatayong impeachment court, at ayon sa kampo ng bise presidente ay marami itong (impeachment) paglabag sa Konstitusyon kaya ang hirit ni VP Sara, i-dismiss agad ang mga kasong impeachment na isinampa sa kanya.
Sa rami ng mga pro-Duterte senator-judges ay malamang i-dismiss agad nila ang mga kasong impeachment kay VP Sara at kapag nangyari iyan ay asahan nang magngangangawa sa inis ang mga anti-Duterte senator, abangan!
XXX
VP SARA HINDI DADALO, DAHIL PARA SA KANYA WA’ ‘WENTA ANG SONA NI PBBM -- Kinumpirma ni VP Sara na hindi siya dadalo sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) sa July 28, 2025 dahil sa tingin umano niya ay wala naman daw itong (PBBM) sasabihing mahalaga sa publiko.
Kumbaga, parang sinabi na rin ni VP Sara na wa’ ‘wenta ang SONA ni PBBM, period!
XXX
NATURINGANG SENADOR SI SEN. PADILLA PERO HINDI PA PALA NIYA ALAM ANG MGA PATAKARAN SA SENADO KAPAG ADJOURNED -- Nag-file nitong Lunes, June 23, ng Senate resolution si Sen. Robin Padilla na humihikayat sa gobyerno na gumawa ng aksyon para maiuwi sa Pilipinas o “bring back (home)” si ex-P-Duterte na nakakulong sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Netherlands, kaya lang walang tumanggap sa kadahilanang adjourned pa ang Senado.
Mantakin n’yo, naturingang senador si Sen. Padilla, eh hindi pala niya alam ang patakaran na kapag adjourned ang Senado ay walang tatanggap sa mga isusulong na resolusyon ng mga senador, boom!
XXX
RESO NI SEN. PADILLA PARA SA GOV’T. NA ‘BRING BACK HOME’ SI EX-P-DUTERTE, BAKA TAPATAN DIN NI SEN. RISA NG ‘BRING BACK HOME SI HARRY ROQUE’ -- Dahil nga walang tumanggap sa Senado sa resolusyon ni Sen. Padilla na “bring back home” si ex-P-Duterte, sabi niya ay sa pagbubukas ng 20th Congress na lang niya ito ipa-file sa Senate of the Philippines.
Ito ngayon ang siste, hindi naman kaya tapatan ni Sen. Risa Hontiveros ang reso na ito ni Sen. Padilla, na baka gumawa rin ng Senate resolution ang senadora na nananawagan din sa gobyerno ng "bring back home" si former presidential spokesman Harry Roque na nasa The Netherlands din para ito ay maikulong na kaugnay sa kaso nitong qualified trafficking in person, isang kaso na "no bail," abangan!







Comments