top of page

Sen. Villanueva, kakasuhan na rin ng DOJ, kaya malamang siya na ang next na makukulong kasama si ex-Sen. Revilla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 43 minutes ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 22, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


CURLEE DISCAYA, UBOD NG KAPAL ANG MUKHA, HINDI ‘MEDYO’ MAKAPAL ANG MUKHA – Sinabi ni DPWH Sec. Vince Dizon na medyo makapal ang mukha ni contractor Curlee Discaya kaugnay sa pahayag nito sa Senate Blue Ribbon Committee, na para bang gusto raw silang nakawan sa isyu ng "restitution" o pagsasauli ng pera na hinihingi ng DOJ para mapasok siya at ang asawa niyang si Sarah Discaya sa Witness Protection Program (WPP).


Mali ang pahayag ni Sec. Dizon na "medyo makapal ang mukha," dahil sa totoo lang, ubod nang kapal ng mukha ni Curlee pati ng misis niyang si Sarah Discaya, dahil itinuturing nilang sarili nilang pera ang bilyon-bilyong pisong in-scam sa kaban ng bayan. Period!

XXX


KAPAG GUILTY SA LAHAT NG KANYANG KASO, MALAMANG MABUBULOK DIN SA KULUNGAN SI CONG. BARZAGA – Matapos sampahan ni billionaire Enrique Razon si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ng kasong cyber libel sa Makati City Prosecutor's Office dahil sa alegasyong sinuhulan niya ang ilang NUP lawmakers para iboto bilang House Speaker si Leyte 1st Dist. Rep. Martin Romualdez, magkasunod din na kinasuhan si Cong. Kiko ng cyber libel nina NUP President at Antipolo City 1st Dist. Rep. Ronnie Puno sa Antipolo City Prosecutor's Office at NUP member, Manila 2nd Dist. Rep. Rolan Valeriano sa Manila City Prosecutor's Office.


Bukod sa mga kasong cyber libel, nauna na ring kinasuhan si Cong. Barzaga ng PNP-CIDG ng inciting to sedition at rebellion. Mayroon ding isinampang kaso laban sa kanya ang Dasmariñas Village Homeowners dahil sa panggugulo sa protesta sa harap ng Dasma Village, na nagdulot ng takot sa mga residente.


Kung mapatunayang guilty sa lahat ng kasong ito si Cong. Kiko, malamang ay hahantong siya sa pagkakakulong. Abangan!

 

XXX


DAHIL KAKASUHAN NA RIN SI SEN. VILLANUEVA, PARANG SINABI NA RIN NG DOJ NA SIYA NA ANG NEXT MAKUKULONG SA CITY JAIL KASAMA SI EX-SEN. REVILLA – Tatlong no bail na kaso ng malversation of public funds na may kaugnayan sa flood control scandal ang nakatakdang isampa ng DOJ laban kay Sen. Joel Villanueva.


Kumbaga, parang ipinahihiwatig ng DOJ na si Sen. Villanueva na ang susunod na makukulong sa city jail, kasunod ni former Sen. Bong Revilla. Abangan!

 

XXX


GOV. VILMA SANTOS-RECTO, 'NGANGA'  RAW SA MGA ILEGALISTA SA BATANGAS – Patuloy pa rin daw ang operasyon ng mga color games at drop balls nina "Aling Tessie" at "Baby P." sa iba't ibang lugar sa Batangas.


Hay naku, 2026 na pero hanggang ngayon ay tila hindi kumikilos si Gov. Vilma Santos-Recto laban sa raket ng mga ilegal sa kanilang probinsya. Tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page