VP Sara, kinasuhan ng grave threat ng DOJ
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 12, 2026

Photo: File / Inday Sara Duterte - FB
Pormal nang nagsampa ang Department of Justice (DOJ) nitong Martes ng kasong grave threats laban kay Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC), kaugnay ng kanyang kontrobersyal na pahayag laban sa mga pinakamataas na opisyal ng pamahalaan.
Sa isang pahayag, kinumpirma ng DOJ na naihain ang reklamo ala-1:30 ng hapon noong Agosto 11 sa Office of the Clerk of Court ng QC RTC.
Nag-ugat ang kaso sa mga reklamong inciting to sedition at grave threats na inihain noon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Batay sa reklamo, sinabi umano ni Duterte sa isang Zoom briefing noong nakaraang taon na nag-utos siya na ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay mapaslang.
Kalaunan ay iginiit ng Bise Presidente na inalis umano sa tamang konteksto ang kanyang mga naging pahayag.
Ayon sa DOJ, ibinasura nito ang reklamong inciting to sedition ngunit itinuloy ang paghahain ng kasong grave threats laban kay Duterte.
Sa panig ng Bise Presidente, sinabi ng kanyang abogado na si Atty. Paul Lawrance Lim na inaasahan na nila ang paghahain ng kaso at nakahanda silang harapin ito.
Iginiit din niya na bilang isang nakaupong opisyal na maaaring ma-impeach, hindi maaaring usigin sa kasong kriminal ang Bise Presidente para sa isang umano'y paglabag na siya ring paksa ng kasalukuyang impeachment proceedings.





Comments