ni Dominic Santos @News | April 21, 2026

Photo: Circulated
Pinabulaanan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick Vida ang mga kumakalat na wala umano sa kustodiya ng Czech Republic si dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.
Ayon kay Vida, sinisimulan na umanong ayusin ng gobyerno ang proseso para maiuwi sa bansa si Co at lilipad umano siya patungong Czech Republic para makipagpulong sa mga awtoridad doon.
Iginiit din niya na maaaring deportation ang paraan ng kanilang ahensya para mabilis na maibalik si Co sa Pilipinas.


