VP Sara, ibinulgar na hindi siya safe... PBBM, no comment, umiling lang
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | September 8, 2026

Photo: Bongbong Marcos sa Marikina Centralized Materials Recovery Facility - DENR-NCR
Hindi nagkomento si President Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya ligtas matapos siyang maharap sa arrest warrant kaugnay ng kasong grave threats.
Umiling si Marcos nang tanungin siya ng mga mamamahayag tungkol dito sa kanyang pagbisita sa Marikina Centralized Materials Recovery Facility.
Matatandaang noong Biyernes, naglabas ng warrant of arrest si Quezon City Regional Trial Court Branch 98 Presiding Judge Maria Angelica De Ramos laban kay Duterte kaugnay ng Section 6 ng Republic Act No. 10175.
“I have documented threats and harassment since 2023. I fear for my children. I do not feel they are safe if I am with them. Umalis na nga ako kung nasaan ang mga anak ko para pumunta sa korte, pero pumunta pa rin ang pulis. I do not feel safe. Pakiramdam ko papatayin nila ako,” pahayag ni VP Sara bago nagpiyansa.





Comments