top of page
TEKA NGA - PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT-FB

86 na ilegal na baril, nasamsam

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | October 26, 2026



Illegal firearms - PNP NCRPO

Photo: PNP NCRPO



Nasabat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 86 baril habang 83 indibidwal ang naaresto sa 81 operasyong isinagawa sa buong Metro Manila mula Oktubre 15 hanggang 21.


Ayon kay NCRPO Officer-in-Charge Police Brigadier General Christopher Abrahano, patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa mga ilegal na baril upang maiwasan ang karahasang may kaugnayan sa armas.


Kasunod ito ng engkwentro sa Western Bicutan, Taguig City noong Oktubre 22, kung saan dalawang armadong suspek ang nasawi sa isinagawang Oplan Sita.


Inatasan ni Abrahano ang mga lokal na hepe ng pulisya na palakasin ang Oplan Bakal, Oplan Sita at police visibility sa mga lugar na mataas ang insidente ng krimen.


Isasailalim naman sa ballistic examination ang mga nakumpiskang baril habang hinikayat ang publiko na iulat ang mga indibidwal na pinaghihinalaang ilegal na nagdadala ng armas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page