Suspensiyon nina Jinggoy at Marcoleta, naka-hold — SP Win

ni Mylene Alfonso @News | October 26, 2026

Photo: Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada - Circulated / File
Kinumpirma ni Senate President Win Gatchalian na natanggap na ng Senado ang suspension orders laban kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Rodante Marcoleta, ngunit hindi pa ito ipinatutupad dahil sa plano ng dalawa na maghain ng motion for reconsideration.
Sa isang panayam, sinabi ni Gatchalian na nagpadala ng liham ang mga tauhan ng dalawang senador upang hilinging ipagpaliban muna ang suspensiyon.
Dagdag niya, hihintayin muna ng Senado na maging pinal ang mga kautusan bago ito ipatupad.





Comments