6 DPWH personnel, kinasuhan sa P491.9M right-of-way scam

ni BRT @News | October 26, 2026

Photo: File
Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ang anim na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at pitong pribadong indibidwal kaugnay ng umano’y P491.9 milyong anomalya sa road right-of-way payments sa General Santos City.
Nahaharap ang mga akusado sa 36 na kaso, kabilang ang 18 bilang ng malversation of public funds through falsification of public documents at 18 bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y paggamit ng mga pekeng dokumento upang makakuha ng bayad para sa 18 lupang naapektuhan ng konstruksyon ng Digos-Makar National Road.
Ayon sa Ombudsman, inaprubahan ng DPWH Region 12 ang pagpapalabas ng mahigit P491 milyon sa mga claimant na umano’y gumamit ng palsipikadong dokumento.
Iniutos din ng Ombudsman ang pagtanggal sa serbisyo ng dating DPWH Region 12 legal officer na si Ansare Mariga Busran sa hiwalay na kasong administratibo.





Comments