top of page
SPECIAL - JILLIAN, GUSTONG HANGGANG PAGTANDA, FRIENDS SILA NI EMAN_IG _emanbacosapaquiao &

VP Sara, ayaw nang mag-endorso; mga senador na dating ikinampanya, baka i-convict pa siya ngayon

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 29, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


VP SARA MAY PUNTO SA SINABING HINDI NA SIYA  MANGANGAMPANYA NG MGA SENATORIABLES KASI 'YUNG MGA IKINAMPANYA NIYA NA NANALO, KINAKALABAN SIYA NGAYON – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala raw siyang ikakampanyang mga kandidato sa pagkasenador sa 2028 election.


May dahilan si VP Sara sa sinabi niyang ito kasi nga naman 'yung mga senatoriables na ikinampanya niya noong 2022 election at mga nagsipanalo ay kinakalaban siya ngayon, na, ‘ika nga, posibleng bumoto pa ng "yes" para sa conviction sa kinakaharap niyang impeachment case, boom!


XXX


PAGLILITIS KAY FPRRD UUMPISAHAN NA KAYA'T MALAPIT NANG MALAMAN KUNG GUILTY OR NOT GUILTY ANG IHAHATOL SA KANYA NG ICC – Bukas, November 30, 2026 ay uumpisahan na ng International Criminal Court (ICC) ang paglilitis kay former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) na nahaharap sa kasong crimes against humanity.


Mainam 'yan na uumpisahan na ang paglilitis kasi diyan malalaman kung guilty or not guilty ang ihahatol kay FPRRD, kasi kung puro mosyon at delaying tactics ang gagawin ng mga abogado ng dating pangulo ay tiyak na mas lalo lang magtatagal sa ICC jail ang ex-president.


‘Ika nga, kung not guilty ang ihahatol ng ICC ay makauwi na sa Pilipinas si FPRRD at kung guilty naman, ay baka sakali ang susunod na administrasyon ay mahiling sa ICC na sa ‘Pinas na ituloy ang sentensya sa dating pangulo, at may pangyayari nang ganyan nang pagbigyan ng Indonesian government. ang hiling ng Marcos admin na sa bansa na bunuin ni Mary Jane Veloso ang sentensya sa kanya ng korte ng Indonesia, period!


XXX


INOKRAY NI ES. RECTO SI SEN. ALAN CAYETANO PATUNGKOL SA AMBAGANG P170K PARA RAW MABAYARAN ANG UTANG NG ‘PINAS – Inokray ni Executive Sec. Ralph Recto si Sen. Alan Cayetano kaugnay sa panawagan ng senador na mag-ambag ng tig-P170K ang mga Pilipino para mabayaran ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.


Ang pang-ookray ni Recto ay puwede na raw magtungo si Cayetano sa Bureau of Internal Revenue (BIR) o kaya sa national treasury para ibigay ng senador ang ambag niyang P170k, boom!


XXX


BAKIT ANG KUPAD UMAKSYON NG OMBUDSMAN SA KASO NG MAGKAPATID NA CONG. ERIC AT FORMER CONG. EDVIC YAP NA PAREHONG SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ng Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa kasong plunder at malversation na posibleng isampa sa magkapatid na Benguet Rep. Eric Yap at former ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap na kapwa nasasangkot sa flood control scandal.


May mga senador, kongresista at Department. of Public Works and Highways (DPWH) nang nakasuhan, may mga nakakulong na, pero ang magkapatid na Yap nasa laya pa rin.


Kaya't ang tanong: Bakit kaya ang kupad ng Ombudsman sa pag-aksiyon sa kaso ng magkapatid na Yap?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page