top of page
SPECIAL - JILLIAN, GUSTONG HANGGANG PAGTANDA, FRIENDS SILA NI EMAN_IG _emanbacosapaquiao &

Anak ni Pacquiao, na-friendzone dahil may ibang labs… JILLIAN, GUSTONG HANGGANG PAGTANDA, FRIENDS SILA NI EMAN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 29, 2026



SPECIAL - JILLIAN, GUSTONG HANGGANG PAGTANDA, FRIENDS SILA NI EMAN_IG _emanbacosapaquiao & _jillian

Photo: IG _emanbacosapaquiao & _jillian



Unang nakilala ang Kapuso actress na si Jillian Ward bilang child star na nagbida sa mga serye ng GMA-7. At hanggang nagdalaga, sa pag-arte sa serye napanood si Jillian, kung saan ang huling ginawa niya sa Kapuso Network ay Abot-Kamay na Pangarap.


Pero ang hindi alam ng marami, mahilig din palang kumanta si Jillian at kuwento nga niya, mga 2 or 3 yrs. old pa lang daw siya, kabisado at kinakanta na niya ang Man in the Mirror ni Michael Jackson sa harap ng salamin. At bukod kay MJ, idol din daw niya si Beyonce.


Kaya naman, bilang pag-a-unlock sa isa sa mga potensiyal ni Jillian, naisipan ni Direk Marvin Caldito, katuwang ang producer ng StageNova Entertainment Production na si Calvin Chua, na ipagprodyus ng kanyang first-ever major concert ang aktres titled Jillian, na magaganap sa Dec. 8, 8 PM sa New Frontier Theater.


Sa ginanap na mediacon para sa Jillian concert, nagpa-sample na nga si Jill ng kantang Saving All My Love For You ni Whitney Houston at If I Ain’t Got You ni Alicia Keys. 

In fairness, nakakabirit si Jillian at kailangan lang sigurong mas mailabas pa ang kanyang confidence sa concert para tumodo ang kanyang performance level.


At tiyak na matsa-challenge rin si Jillian dahil ang bongga naman ng mga guests niya sa concert – sina Ogie Alcasid, Flow G, Zephanie at Darren Espanto!


So, kailangan talaga, masabayan ni Jillian ang galing ng kanyang mga guest performers. 

Siya raw mismo ang pumili sa apat dahil malapit sa kanyang puso ang mga ito. Si Ogie ay tatay-tatayan niya mula nang magsama sila sa seryeng Daldalita. Si Flow G, idol daw ng kanyang mommy kaya dream come true na maka-collab niya sa concert. Si Zeph ay kaibigan niya, habang si Darren ay nakasama raw niya nang mag-guest siya sa It’s Showtime.


Tinanong namin si Jillian kung posible rin bang mag-guest ang isini-ship sa kanya noon ng mga fans na si Eman Bacosa Pacquiao. Isu-surprise kaya siya nito?


Sagot ni Jillian, “Well I hope, kaso po parang may fight si Eman ngayon, eh. Tingnan natin, baka naman i-surprise niya ako.”


Nakapag-usap naman daw sila mga 2 months ago, kaya lang pareho raw silang busy dahil sa kani-kanilang ganap sa buhay. 


After the mediacon, natanong namin si Jillian kung paano natanggap ni Eman na “na-friendzone” ito, dahil aminado naman ang aktres na may nagpapasaya at nagpapatibok na sa puso niya ngayon.


Nabigla si Jillian at ang sabi, “Grabe naman po ‘yung question. Kayo talaga!” sabay ngiti.

Patuloy nito, “Friendzone, hmmm… Well, ever since kasi po, sobra po ‘yung respeto namin sa isa’t isa, eh. Basta, I super appreciate Eman, and hopefully, hanggang pagtanda po namin, we’ll be there for one another. Like now, I’m praying for his fight. Basta if he needs somebody, if he needs to talk to someone, I’m just here.”

Ayun naman pala! 


At malay natin, kung Kapag Tumibok ang Puso ang theme song ng buhay ni Jillian, eh, Pagdating ng Panahon naman ang sa anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao. Hehe!


So, guys, watch n’yo na lang ang Jillian concert at sabay-sabay nating abangan kung sino nga kaya ang sosorpresa kay Jill sa kanyang first-ever major concert.





Nu’ng bago pa lang daw sa showbiz… 

ANGEL GUARDIAN, PINAGTAASAN NG KILAY NG MGA KATRABAHO



AMINADO naman ang Kapuso actress na si Angel Guardian na bilang artista, napakaimportante na maalagaan niya ang kanyang skin, kaya tamang-tama raw ang endorsement niya ng Skin Story na isa sa mga brands under Amadi Multiverse na nagkaroon ng launching last November 25.


Natanong namin si Angel kung na-bully na ba siya sa showbiz at nanatili pa rin ba ang kanyang pagiging ‘angel’?


Pag-amin niya, nu’ng bagu-bago pa lang siya sa Encantadia ay may ilan siyang katrabaho na pinagtaasan siya ng kilay, pero imbes magpaapekto, mas naging challenge raw ito sa kanya para i-prove ang sarili niya.


“Ako kasi as a person, gusto ko ‘yung ganu’n, gusto ko ‘yung ina-underestimate ako. Gusto ko ‘yung underdog ako, kasi lalo akong nagkakaroon ng fire, eh. Mas ganu’n ako, eh,” ani Angel na nonchalant naman daw sa mga bashers niya.


“Wala naman akong paki. Parang if you wanna judge me, go ahead! Bakit kita papatulan? Si Lord na ang bahala. And proven na ‘yun, si Lord talaga ang gumaganti for me,” dagdag pa ng Kapuso actress-endorser ng Skin Story.


Baka naman inggit lang sa mala-anghel na ganda ni Angel ang mga bashers niya. Hehe!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page