top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Vote buyers at sellers, lagot na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2025
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | Feb. 5, 2025



Boses by Ryan Sison

Sa kabila ng sunud-sunod na mga paalala at babala, tila hindi pa rin mapigilan ang marami sa atin na bumibili at nagbebenta ng kanilang boto kapalit ng ilang halaga ng pera. 


Kaya naglabas na ng resolusyon ang Commission on Elections (Comelec) na pinapayagan ang mga otoridad na arestuhin ang mga vote buyers at sellers kahit na walang warrant of arrest, sakaling mahuhuli ang mga ito sa akto na ginagawa ang nasabing paglabag. 


Ang Resolution No. 11104, na nagpapalawak sa kakayahan ng Committee hinggil sa Kontra-Bigay ng poll body, ay nagmo-monitor ng mga vote buying at selling ngayong eleksyon. 


Nakasaad sa resolusyon na pinahihintulutan ang mga law enforcer na arestuhin ang isang indibidwal na nahuling nagbo-vote buying at selling o gumagawa ng anumang aksyon na nakapaloob sa abuse of state resources (ASR) basta’t napatunayan na siya ay lumabag sa alinman sa election offense. 


Ayon sa Comelec, ang mga maaarestong indibidwal ay dadalhin sa pinakamalapit na police station.


Mainam ang naging desisyon ng kinauukulan na hulihin ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na batas, ang pagsasagawa ng vote buying and selling.


Hindi naman talaga tama na bilhin ng isang kandidato ang mga boto para lamang manalo at maupo sa puwesto, lalo ring mali ang ibenta natin ito sa kanila.


Kung totoong malinis at tapat na lingkod-bayan ang isang kandidato, nararapat lamang na maging patas siya sa lahat ng laban. Kumbaga, hindi siya mandaraya.


Para sa mga kababayan, piliing mabuti ang mga nais nating iluklok na lider ng bayan, iyong tunay na makakatulong at inuna lagi ang kapakanan ng mga mamamayan, habang huwag na ibebenta ang ating mga boto para hindi naman natin ito pagsisihan kalaunan. 


Alalahanin sana natin na ang bawat tuldok ng ating ballpen sa mga balota ay ang magiging agos o takbo ng ating kinabukasan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page