top of page
Search
  • BULGAR

VNS-Asareht, Pangasinan at NU UST, bumida sa PNVF Men's at U-18

ni MC @Sports | March 25, 2024





Ang baguhang VNS Asereht-Savouge at ang  Umingan, Pangasinan team ay giniba rin ang kani-kanilang mga karibal habang tatlo pang team ang umiskor ng malaking panalo sa men’s division ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship nitong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.


Madaliang kumubra ng panalo ang batang Griffins sa bisa ng 25-12, 25-12 kontra Colegio de Los Baños habang naitakas ng Umingan ang 22-25, 25-15, 25-18 comeback win kontra Hermosa, Bataan para sa 1-0 slates ng Pool B. 


Humugot ng inspirasyon mula sa mga kapatid na kumuha ng back-to-back Final Four sa PNVF Champions League, kinailangan lang ng VNS ang 38 minuto upang makasampa sa win column at magtala ng 13-point victories sa bawat 2 sets. 


Mabagal man ang simula ng Umingan  pero dinomina ang Hermosa sa  huling 2 sets para sa pahirapang panalo sa halos 1 oras ng 12-team tourney sa ilalim ng best-of-three format. 


Samantala,  giniba rin ng National University at ng  University of Santo Tomas ang kani-kanilang karibal nang walisin ang (PNVF) Under-18 Championship women’s division nitong Biyernes sa Rizal Memorial Coliseum.  Mabilis na tinalo ng Lady Bullpups ang Colegio de Los Baños, 25-10, 25-12, habang ang Junior Golden Tigresses ay giniba ang  King’s Montessori School, 25-16, 25-23 para sa 1-0 slates ng Pool A at B.  


Pakabog na simula ito para sa nagbabawing NU sa torneo matapos isurender ang trono sa Adamson sa UAAP Season 86 girls’ volleyball tournament kung saan ang UST ang sumegunda sa elimination round at saka sumuko sa stepladder Final 4.  Kinailangan lamang ng NU ng 38 minuto para iposte nag panalo habang nahirapan muna ang UST kontra KMS bago nawali ang panalo sa 57 minuto. 


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page