top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

Torregosa champ sa Air Marathon Taipei

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Anthony Servinio @Sports | October 27, 2026



Torregosa champ sa Air Marathon Taipei

Photo: Tinapos ni Torregosa ang 42.195 kilometrong karera sa 2:51:26. Iniwan niya sina Caroline Cherono (2:55:46) at Peniel Jerop (2:58:10) ng 2026 Eva Air Marathon sa Taipei. Circulated



Dumagdag ng karangalan si Artjoy Torregosa sa kampeonato ng 2026 Eva Air Marathon sa Taipei. Tinalo ng pambansang atleta ang hamon ng dalawang Kenyan at ng basa at mahalumigmig na panahon.


Tinapos ni Torregosa ang 42.195 kilometrong karera sa 2:51:26. Iniwan niya sina Caroline Cherono (2:55:46) at Peniel Jerop (2:58:10).


Kampeon sa kalalakihan si Yoshiki Nagano ng Japan sa 2:24:22. Sinundan siya nina Jamie Lacey ng Gran Britanya (2:24:49) at George Mbugua Ngure ng Kenya (2:25:05).

Tunay na nagpamalas ng lakas ng Pinay at numero uno sa 21.1 kilometro Half-Marathon si Michelle Zamora sa 1:21:46. Nasa likod niya ng dalawang Taiwanese Hsieh Chen-Ho (1:21:58) at Bai Zhi-Rui (1:26:15).


Nag-uwi rin ng pilak si Franklin Ferdie Yee sa Men's 10 kilometers sa 32:44. Dinaig lang siya ni James Drakeford ng Britanya sa 32:27 habang tanso si Lai Xiang-Hun ng Taiwan sa 33:32.


Tinatayang lampas 20,000 ang tumakbo sa higanteng karera. Kasama rito ang malaking grupo ng mga Pinoy sa pangunguna ni Olympian Dr. Mary Joy Tabal-Jimenez sa tulong ng Travel Care upang magpadala ng kombinasyon ng mga elite na atleta at mga turistang mananakbo sa pangalawang sunod na taon.







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page