top of page
BINI Gwen.jpg

Parkour palalawakin sa grassroots level

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by MC @Sports News | October 28, 2026



Si Philippine Parkour Head Coach Raven Cruz nang dumalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports.

Photo: Si Philippine Parkour Head Coach Raven Cruz nang dumalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports. (Gen Villota) 



Mahalaga ang pagdiskubre sa mga bata na may natatanging talento pagdating sa Parkour action. Ito ang binigyang-diin ni Philippine Parkour Head Coach Raven Cruz kung saan ang sport na ito kinakailangan ng mabilisang paggalaw at lakas ng mga paa upang matalon at masuong ang lahat ng obstacles. 


Ginagamitan ito ng iba't ibang klaseng kilos tulad ng pagtakbo, paglundag, pagdayb, pag-akyat, vaulting at balancing. 


Sa kasalukuyan ay unti-unti nang lumawak ang interes ng mga Pinoy sa larong Parkour lalo na ang mga kabataan,  pati na ang mga persons with special needs at elite athletes maging ng senior citizens na kabilang sa training pool ng national team na sinuportahan ng Pilipinas Obstacle Sports Federation at Gymnastics Association of the Philippines. 


"Ang Parkour ay may common stigma na sports ng mga akyat-bahay at nilalaro-laro lang at nakita natin sa social media na extreme ang parkour, but didn't see ang part ng parkour na tine-train ang basics, we start from jumping, landing, running, how to save ourselves, which is somewhat kulang sa sports natin. Yan ang number one na tinuturo dito," sabi ni Cruz sa lingguhang Tabloids Organization in the Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports Forum. 


Nakaabot man sa Top 10 sa huli nitong competition sa Portugal nitong 2024, balak ng koponan na magpadala ulit ng mga top parkour athletes sa ibang bansa upang makaharap ang iba't ibang higher-level competitors.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page