Visa-free sa Russia, oks kay PBBM
- BULGAR

- Jun 20
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 20, 2026

Photo: Vladimir Putin at Bongbong Marcos - FB
Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibilidad na pag-usapan sa pamahalaan ng Russia ang tungkol sa visa-free travel para sa mga Pilipino bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.
Sa press conference sa Kazan, Russia, sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang problema kung tatalakayin ang ganitong kasunduan kung makakatulong sa pagitan ng Pilipinas at Russia, partikular sa pagpapalakas ng turismo at palitan ng mamamayan.
“We did it with India, we've done it with China. If it's something that we feel will be of advantage to both Russia and the Philippines, I don't see why not,” pahayag ng Pangulo.
“That's become the method, the order of the day now. And we very much would like to increase our tourists trade. So, that's something that down the road maybe we can look at,” ani Marcos.
“And I have no – I cannot find any serious objections to it,” dugtong ng Punong Ehekutibo.
Kailangan pa rin aniyang dumaan sa tamang proseso ng usapan at kasunduan ng dalawang bansa bago ito tuluyang maipatupad.
Gayunpaman, inamin ni Marcos na hindi napag-usapan ang ganitong posibilidad sa kanyang maikling pananatili sa Kazan para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Russia Commemorative Summit.





Comments