VIP treatment daw siya… WILLIE, HATID-SUNDO NG LIMOUSINE NI SEN. MANNY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 14, 2021

Marami ang nagulat at natuwa nang biglang sumipot at nag-guest ang People's Champ at senador na si Manny Pacquiao sa programang Wowowin ni Willie Revillame.
Naging masaya ang kuwentuhan nila dahil ibinulgar ni Revillame na sa ilang laban noon ni Pacman sa Las Vegas ay lagi siyang naiimbitahan at VIP ang treatment sa kanya. Hatid-sundo raw siya sa hotel na tinutuluyan ng limousine ni Pacquiao.
Ang People's Champ naman ay nagkuwento ng kanyang humble beginnings at ang mga hirap na pinagdaanan niya noon bago pa siya kinilalang world-class boxer.
Tuwang-tuwa si Willie nang si Sen. Manny ang kanyang pinag-host ng Wowowin at ito rin ang tumawag sa lucky winner na makakatanggap ng cash prize mula sa show.
Ang masaya pa, ang P30 thousand na bigay ng show ay tinapatan at dinagdagan ni Pacman ng P20 thousand! Kaya, ganu'n na lang ang tuwa at pasasalamat ng mga tinawagang viewers ng Wowowin kina Willie Revillame at Sen. Manny Pacquiao at maging sa programa.
Magmula nang magkaroon ng Covid pandemic, nag-iikot na si Sen. Manny Pacquiao upang mamigay ng ayuda sa mga nangangailangan. Pareho sila ni Revillame na may puso sa mahihirap.





Comments