top of page

VILMA, PROUD NA SI PEANUT NA ANG PAPALIT SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 3, 2023



May kapalit na si Luis Manzano sa puso ng kanyang mom na si Vilma Santos at ito ay walang iba kundi si Isabella Rosie or Baby Peanut!


Aliw na aliw si Ate Vi sa kanyang cute and lovable na apo. Ngayon pa lang ay nakikita na niya si Baby Peanut na mag-aartista rin at puwedeng pumalit sa kanya.


Marunong na raw umarte si Baby Peanut kapag nakakakita ng kamera. At kahit saan daw magpunta ang Star for All Seasons ay laging si Baby Peanut ang itinatanong sa kanya ng lahat.


Kaya naman paborito ni Ate Vi na ipag-shopping ang kanyang apo.



Well, kaarawan ngayon ni Vilma Santos at wala na raw siyang mahihiling pa na birthday gift kina Luis Manzano at Jessy Mendiola kundi ang mahiram-makasama si Baby Peanut sa kanyang kaarawan.


Nananawagan din si Ate Vi sa lahat ng Vilmanians at sa mga moviegoers na panoorin ang reunion movie nila ni Boyet de Leon na When I Met You In Tokyo na kasama sa darating na MMFF 2023.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page