VILMA, AI AI AT IBA PANG ARTISTA, NAGLUKSA SA PAGKAMATAY NI RICKY LO
ni Nitz Miralles - @Bida | May 06, 2021

Shocked pa rin ang maraming kaibigang manunulat at mga artista ng respetadong columnist-editor-TV host na si Ricky Lo sa biglaan niyang pagpanaw nu'ng Martes nang gabi dahil sa stroke.
Lahat ng nasa showbiz, may story tungkol kay Ricky Lo at ang dami nang nagpahayag ng pakikiramay sa kanyang pagpanaw, kabilang si Congw. Vilma Santos na ang sabi, “Thank you, Ricky. I love you my friend!!! I will miss you. Rest in peace.”
Ayon naman kay Ai Ai delas Alas, “One of my REAL FRIENDS in the INDUSTRY... Pahinga ka na, friend. Rest in peace... Salamat sa ating pagkakaibigang punumpuno ng respeto sa isa’t isa... Sobrang nalungkot ako, nabawasan na naman kaibigan ko... Bihira pa naman makakita ng totoong kaibigan sa mundong kinagagalawan natin... Hayzz.”
Ang sabi ng kapatid ni Ricky, iuuwi ng pamilya ang kanyang mga labi sa Samar at isasama sa parents niya sa isang mausoleum. Hindi pa lang in-announce kung kailan iuuwi ang labi ni Ricky at kung magkakaroon muna ng burol dito bago siya dalhin doon.





Comments