top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Video reels, laging trending… CHARO, SOCIAL MEDIA DARLING ANG BAGONG TITLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 59 minutes ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 30, 2026



SHEET - CHARO, SOCIAL MEDIA DARLING ANG BAGONG TITLE_IG _charosantos

Photo: IG _charosantos



“Social Media Darling” ang tawag ngayon kay Ms. Charo Santos dahil halos lahat ng posts niya ay trending.


Komentong nabasa namin mula sa mga netizens, “‘Di tumatanda!” “Kayang makipagsabayan!” “Ma’am Charo, puwede nang pambato sa Chinese drama!”

Usap-usapan ngayon sa social media si Ma’am Charo at base sa mga komento, talagang gustung-gusto ito ng mga Pilipino.


Naki-join na kamakailan ang beteranang aktres, host, at media icon sa pinakabagong dance trend gamit ang kantang I Want You Back ng NSYNC, at umani ng suporta at paghanga mula sa mga fans ang kanyang reel dahil sa pagiging game niyang makisaya.

Sey pa ng isang netizen, “Doesn’t look 70!”


Ilan lang ito sa paglalarawan sa kanya, ang bagong paborito sa social media. Titulong tila unti-unting nakakamit ng beteranang aktres sa bawat reel na kanyang ibinabahagi.


Kilala sa kanyang dekada nang karera sa telebisyon at pelikula, ipinapakita ni Ma’am Charo ang isang masayahin at mapaglarong bahagi ng kanyang sarili online – nakikisabay sa mga uso, sumasayaw, nagpapatawa, at nakikipag-ugnayan sa mga manonood sa paraang natural at tunay na sumasalamin sa kanyang personalidad.


At hindi lamang sa mga dance trend natatapos ang kanyang mga aktibidad sa social media. Nililibang din nito ang mga manonood sa pamamagitan ng kanyang Rich Boyfriend’s Mom micro-drama series, kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang napakayamang ina na desididong paghiwalayin ang kanyang anak at ang kasintahan nito.


Magandang karagdagan ang serye sa kanyang online persona na sinusubaybayan ng mga manonood ang kuwento sa bawat episode at kinagigiliwan ang comedic timing ni Ms. Charo, pati na rin ang kanyang karakter na sadyang in-exaggerate at nakakaaliw.


Ang mas nakakaaliw pa rito ay hindi niya ipinipilit na magmukhang bata o gayahin ang iba. Nakikibahagi lang siya sa usapan, sumusubok ng mga bagong bagay, at ipinapakita ang kanyang tunay na personalidad sa proseso at positibo ang dating sa manonood.


Para sa mga matagal nang tagahanga, isa pa itong dahilan para mas mahalin si Ms. Charo at para naman sa mga mas batang manonood na nakatuklas sa kanya sa pamamagitan ng reels at mga microdrama ay nagsisilbi itong pagpapakilala sa isang bahagi ng batikang personalidad na hindi pa nila nakikita noon.


Marahil, ‘yan ang sikreto sa hatak ni Santos sa social media—hindi siya pilit na nakikibagay sa ‘social media,’ nananatili lang siyang si Charo habang nag-e-enjoy at ito mismo ang gustong makita ng mga tao sa internet.





PANGALAWANG ANAK NI LENI ROBREDO, IKINASAL NA ABROAD



MRS. Tricia Robredo-Vega na ang pangalawang anak ng dating pangalawang pangulo at ngayon ay mayor ng Naga City na si Gng. Leni Robredo dahil ikinasal na siya sa fiancé niyang si Stephen Vega sa pamamagitan ng private city hall sa Boston, Massachusetts.


Sa Instagram (IG) post ni Dominique Holliday nitong Agosto 26 ay naglalaman ito ng engagement at wedding photos nina Stephen at Tricia.


Si Dominique ang nagsilbing photographer sa mahalagang araw ng dalawang personalidad.


Ang caption ay “Tricia + Stephen forever documented entirely on film and scanned in-house with lots of love.


“Call me a lucky duck because I got to photograph these two, twice, in just 12 days! Once for their engagement and then again spontaneously for their city hall elopement. Celebrating their love in a city they love and cherish.”


May gaganaping kasal din sina Tricia at Stephen dito sa Pilipinas at nabanggit ni Dominique na hindi siya parte rito pero masaya siya dahil siya ang unang nakasaksi at nagdokumento ng mga importanteng ganap sa buhay ng mag-asawa.


Sey pa ng photographer, “While I won’t be the photographer at their big wedding in the Philippines, I feel lucky to have documented this chapter for them here, in Boston, as a fellow Bostonian. Javier and I feel incredibly lucky that our paths crossed with yours and wouldn’t change a single thing about any part of any of it. Thank you both so much for trusting the team and I to document this moment in your lives.”


Nobyembre noong 2025 nang i-post ni Tricia na isang taon na siyang engaged kay Stephen. Nag-propose si Stephen kay Tricia sa Cambridge, Massachusetts noong Nobyembre 11, 2024.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page