top of page
Search
  • BULGAR

Video, napanood pa ng anak… INAH, GAME SA TIKIMAN SA 21-ANYOS NA GUY

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 16, 2024



Sa edad na 48 ay nananatiling ‘hot’ pa rin ang aktres na si Inah Raymundo kaya naman natanong siya sa ginanap na mediacon ng upcoming movie nila ng batang aktor na si Will Ashley na X & Y kung ano ang reaksiyon ng pamilya niya sa kissing scenes nila.


At okay din ba sa kanya na mangyari sa anak niya na magkaroon ng karelasyon na malaki ang agwat ng edad? 


Bago sinagot ni Inah ang tanong ay itinuro niya ang bunsong anak, “My daughter is here, actually nakita niya ‘yung mga pictures namin ni Will sa phone ko, ‘Mommy, what are these pictures (nasa phone)?’ kasi medyo sweet kami, na ano siya, nagulat siya. Sabi ko, ‘It’s okay, it’s work!’”


Pahayag pa niya, “So, kung saan sila masaya. Pero hindi ko iniisip ‘yung mga bagay na ‘yun kasi parang malayo pang mangyari kapag ma-attract sila sa older na partner. So, I think I’ll be understanding, I won’t be judgmental (because) I want them to be happy. Basta walang walking red flags, mga ganu’n, kasi hindi mo rin maiwasan ‘yung mga red flags, ‘yun ang ipino-point-out ko sa kanila agad.


“My only son-shine (Jakob), nu’ng nagka-girlfriend siya, akala ko hindi ko makakaya kapag nagka-girlfriend siya, pero isa ako sa mga supporters niya, that’s why hindi kami nag-aaway, kaya walang resentment at hindi ko siya pinigilan. Siya rin mismo nakaka-figure out rin na (sasabihing), ‘I don’t wanna in a relationship now.’ Hindi ko sinasabing ‘Uy, bawal magka-girlfriend, baseball lang.’”


Sa tanong kung nakakaramdam ba si Inah ng intimidation mula sa girlfriend/s ng anak dahil nga physically fit at sexy pa rin siya, “Walang ganu’n kasi ‘yung first (girlfriend) niya, very short lang ‘yung relationship nila although I met her, pero wala akong na-feel kasi bata pa naman sila. ‘Yung isa naman sa US, never ko siyang (2nd girlfriend) na-meet kasi nasa US sila nu’n,” sagot ni Inah.


Samantala, hindi naman daw nagseselos ang asawa ni Inah sa mga kissing scenes at sexy scenes niya dahil nakilala siya nito na ganito na ang trabaho na sexy sa mga pelikula at mas malala pa nga raw noon kung ikukumpara ngayon na lie-low na siya.


Pagkatapos ng mediacon ay nakausap   nang sarilinan ng media ang aktres tungkol sa kissing scene nila ni Will sa X & Y na ipapalabas na sa Abril 17, Miyerkules, mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at screenplay ni Gina Marissa Tagasa at produced ng G Channel PH.


Kasama rin sina Elizabeth Oropesa, Divine Tetay, Bugoy Cariño, Kirst Viray, Ron Angeles, Thor Gomez, Glenda Garcia, Rico Barrera at Bembol Roco.


Sabi ni Inah ay unang beses itong gawin ni Will sa pelikula at ang aktres naman ay nagawa naman na niya ito noon pa at bumilib naman siya dahil ramdam na marespeto ang binata.


“Pero in fairness to this 21-year-old kid, assertive naman ‘yung pag-kiss niya. Hindi ‘yung sobrang nanginginig na ganu’n. Ang nanginginig, ‘yung katawan niya. Pero ‘yung lips niya, hindi naman,” paglalarawan ng aktres. 


Bilang bagito ay natanong kung okay bang humalik si Will para sa kanya?  Nabanggit kasi nito na masarap daw.


Natawa muna si Inah, “Feeling ko, baka sa food na kinain niya dahil may scene kami na kumakain talaga siya ng food.


“Baka iyon ang ibig niyang sabihin (masarap). Nasa restaurant kami, may eksena, talagang kinakain niya ‘yung food.”


Lalaki raw bang humalik si Will at hindi naramdamang may kakaiba? 


 “Parang oo naman! Naramdaman ko naman na assertive ‘yung pagka-kiss niya saka hindi wet. Ayaw ko ‘yung parang fish, ‘yung ganu’n. Kasi parang unhygienic. Ha! Ha! Ha! Ha! Alam mo, sa totoo lang, ‘pag kissing scene talaga sa pelikula, all work talaga ‘yung utak mo.


“Hindi mo iisipin ang something else. Pero since alam kong kabadung-kabado siya… na nagawa niya ‘yung dapat niyang gawin. Hindi nanginginig ang bibig, or hindi nahalatang kinakabahan, which is good. Kasi siyempre ‘pag ganu’n, makakailang takes kami. Na-take 2 kami, kasi ‘yung isa, mali ‘yung angle. So take 2 ‘yung ano (kissing scene) namin,” seryosong sabi ng aktres.


May pagkakaiba ba sa halik kapag mas may-edad ang kaeksena ni Inah?


“Same lang din. Kasi siyempre, work is work. Parang pare-parehong lips iyan.”


Diin pa nito, “Buti hindi wet kisser, hindi amoy-yosi, ‘yung ganu’n! Basta, walang amoy ‘yung breath niya which is good, ‘di ba?”


 At mukhang confident nga si Will sa harap ni Inah dahil hindi naman ito nag-aalangang kumilos at magsalita at ramdam mo na may respeto siya sa aktres.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page