top of page

Video kalat na… BOOBS NI MOIRA, MUNTIK MAG-HELLO HABANG KUMAKANTA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 9, 2023



Hindi inaasahan ni Moira Dela Torre na magkakaroon siya ng wardrobe malfunction habang kumakanta sa isang event.


Naibahagi ang video ng nasabing insidente sa social media kung saan makikita na patuloy lang sa pagkanta ang tinaguriang Hugot Queen.


Marami ang nakapalibot sa singer kaya may mga tumulong upang maiwasang masilipan siya.


Kapansin-pansin naman na may dalawang kamay na humawak sa kanyang damit upang mapigilan ang pag-angat nito.


Narito ang komento ng ilang netizens:


“Tinakpan niya lang. Makikita sa una na pinipigilan niya na tumaas ‘yung damit... Assistant po ni Moira ‘yun.”


“Team ni Moira ‘yan. Si Miss CJ ‘yan, ‘yung road manager niya. Strict ‘yan siya sa mga outfit ni Moira kahit dito sa UK nu’ng nag-concert siya, conscious ‘yan lagi. Sa big screen (LED) ‘yan nakabantay.


“Maiksi kasi ‘yung top ni Moira. Ngayon, ‘pag itinaas niya ‘yung mga braso niya, makikita ‘yung hindi dapat makita.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page