VICTOR, INILABAS ANG BABY SA IBANG BABAE, SINOPLA NI MAGGIE
- BULGAR
- Apr 19, 2023
- 1 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 19, 2023

Hindi na nakapagpigil pa si Maggie Wilson-Consunji sa latest post ng kanyang estranged husband at kilalang real estate developer na si Victor Consunji, Jr..
Sa ipinost kasing larawan ni Victor sa Instagram nu'ng isang gabi, kasama nito ang bagong karelasyon na si Rachel Carrasco at ang kanilang baby girl.
Ini-repost naman ni Maggie sa IG Story niya ang report ng ABS-CBN News patungkol sa pagbabandera ni Victor ng anak niya sa ibang babae.
Ang caption ng larawang ipinost ni Victor sa kanyang Instagram account, "This beauty had a long day. #NotMe #TheLittleGirlOnMyTummy #IGuessIAmTheCrib
Ang caption naman ni Maggie sa post niya, "STILL NOT ANNULLED. STILL NO COMMUNICATIONS. STILL HAVE AN ADULTERY CHARGE. STILL GETTING DEMANDS EVERYDAY.
STILL BLOCKED FROM SEEING MY SON."
Sa kasalukuyan ay wala pa kaming nabasang sagot ni Victor sa komento ng legal wife niya, pero ayon sa mga nabasa naming komento ng mga netizens sa isang showbiz website ay malaking ebidensiya na ito para sa ikakaso ni Maggie laban sa asawa.
"Why won't Maggie file a concubinage case against him?! Ano ba'ng ginagawa ng mga babaeng mambabatas natin to update the adultery law?”
"Tama naman. Out and proud si Victor and girl niya, while si Maggie ang may mga kaso? Fight for your rights, Maggie."
"Infer kay VC, well played. 'Di siya madedemanda at 'di na niya kailangang ipaglaban ang custody ng anak. Win-win for him."
Patuloy pa rin ang pagdami ng mga komento. Ang iba pa nga ay halos below the belt na ang mga sinasabi.
Bukas ang BULGAR sa panig ni Victor o ng kampo niya patungkol sa komento ng legal wife niyang si Maggie.
Comments