top of page
Search

VICE, UMAMING NAUUBUSAN NG GUEST KAYA NAGBABU ANG SHOW

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | October 23, 2023



Sinagot ni Unkabogable Star Vice Ganda ang tanong ng isang netizen tungkol sa dati niyang celebrity talk show sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice.


Tanong ng netizen, "What's stopping ABS-CBN para ibalik ang GGV? Super entertaining ng GGV, huhu.”


Paliwanag ni Vice, “I was actually asked by the management when I signed my new contract if I wanted to do GGV again. I couldn’t do 3 shows anymore. Baka pagtapos ng Everybody Sing let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lang. ‘Di ko na keri ‘yung another 10 years.”


Reaksiyon naman ng isang fan ni Vice, “Akala ko Meme, naubusan na kayo ng ige-guest.”


Sinang-ayunan ni Vice ang sinabi ng fan tungkol sa mga guests niya sa show.


“Actually, true ‘to,” ani Vice. “Nagsawa na rin ako sa paulit-ulit na guests. Isa ‘yun sa mga rason kaya I decided to sign off. Pero ngayon, mukhang mas malalim na ang balon ng guests kasi sanib-puwersa na ang mga networks (hopefully).”


Mas nadadalian pala si Vice sa pagho-host ng Gandang Gabi Vice kesa sa show niya ngayon na Everybody Sing.


Esplika ni Vice, "Sa totoo lang! And sa GGV, nakaupo lang ako most of the time, tapos tawa lang nang tawa. Nakakapagod nang malala ang Everybody Sing pero it’s all worth it kasi ang objective ay ‘di lang entertainment, kasama na rin ang public service."


Thankful si Vice na kahit wala sa ere ang Gandang Gabi Vice ay naaalala pa rin ito ng publiko.

Pahayag niya, “Super nakaka-happy na kahit ilang years nang ‘di umeere ang GGV, bukambibig pa rin ito ng madami. I’m so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS-CBN.


“Pinuno ng GGV ng trophies ang bahay ko pero Everybody Sing gave me international recognitions. Um-ASIAN si accla, eh!”


‘Yun na!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page