VICE-MICHAEL V. MOVIE, 'DI UBRA SA MMFF 2023
- BULGAR
- Aug 25, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 25, 2023

Game si Vice Ganda sa collaboration with Michael V. o Bitoy na ikina-excite ng mga fans.
Naunang nabanggit ni Bitoy na malaki ang posibilidad na magkasama sila ni Vice sa anumang project na puwede nilang pagsamahan.
“A lot of possibilities,” naman ang sagot ni Vice at inisa-isa pa nga niya ang mga collab projects na puwede nilang gawin ni Bitoy sa report ng Unang Balita at nabanggit din nito na dream niyang makapag-guest sa Bubble Gang.
“Puwede naman kaming magpelikula — Bitoy and Vice Ganda for filmfest and dream ko kasing mag-Bubble Gang. Nag-aantay lang din ako ng imbitasyon at saka kung ano'ng gagawin. Napakaraming possibilities, puwede kaming gumawa ng kanta together,” ani Vice.
Lalong na-excite ang mga fans sa sinabing ito ni Vice and in fact, marami sa kanila ang nagsa-suggest kung ano'ng pelikula ang gusto nilang gawin nina Bitoy at Vice at alam daw nilang papatok sa mga viewers. Nanghinayang nga ang mga fans na hindi na aabot sa 2023 Metro Manila Film Festival sakaling gumawa sila ng pelikulang magkasama.
Mauuna nga lang sigurong mapanood sa Bubble Gang si Vice dahil nakapag-guest na sa It’s Showtime si Bitoy at puwede siyang mag-guest uli. Dagdag pa ng mga fans, mag-guest na rin sana sa Pepito Manaloto si Vice.




Comments