VICE, GUSTUNG-GUSTO NANG MAKA-FACE-TO-FACE SI JESSICA SOHO
- BULGAR
- Jul 1, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 1, 2023

Matupad kaya ang request ni Vice Ganda na mag-guest sa isang show ng GMA-7? Sa bagong vlog sa kanyang YouTube channel, kabilang sa nabanggit ng comedian-TV host ang kagustuhan niyang mag-guest sa show na hindi binanggit ang title.
“Siyempre magpo-promote, sabi ko, ‘Tita Cory, since magge-guest tayo sa ilang GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito? Gusto ko lang lumabas sa programang ito, kung uubra lang. Sana, mag-guest ako sa show na ito.’
“Tapos sabi ni Tita Cory, ‘Sige, sasabihin natin sa mga bosses. Tingnan natin kung magagawan ng paraan.' Let’s see, gusto ko lang talagang mag-guest doon sa show na ‘yun. So, sana ay matuloy.
“At feeling ko, ang daming nag-aabang. Ang feeling ko, ang daming excited na, ang dami ring umiikot ang puwet at curious kung puwede kaya siyang mag-guest doon? Makakapag-guest kaya siya roon? Iimbitahan kaya siya roon? What if mag-meet sila? So, gusto ko ‘yun, ini-request ko ‘yun sa management. Kung mapagbibigyan, di ang ganda.”
Hindi binanggit ni Vice ang title ng show, pero ang hula ng mga nakapanood ng naturang vlog, ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang show na tinutukoy niya.
Maaalalang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan nilang dalawa dahil isinali ni Vice sa kanyang ‘rape’ joke sa concert niya sa Araneta Coliseum noon si Jessica Soho.
Nag-sorry si Vice, pero dahil na-offend nga ang kilala at respetadong broadcast journalist ay hindi niya ito tinanggap.
Anyway, sana nga ay okay na ang dalawa ngayon at mas maganda nga kung magkikita sila nang personal ni Jessica upang mapanood ng mga viewers ng #KMJS.
Aliw pala ang video clip ni Vice na kunwari ay kagigising lang niya at paggising, nagtanong kung nasaan siya at saka nakita ang building ng GMA Network.





Comments