top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 14, 2023



Hindi pa nga maka-get-over si Megastar Sharon Cuneta sa magagandang sinabi ng kanyang labis na hinahangaan na si Ms. Jessica Soho, na masasabing isa ring Sharonian.


Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, "Hanggang ngayon, 'di pa rin ako maka-get-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa YouTube channel ko.


"Iba kung ang isa sa pinakatinitingala at inirerespeto mo ang nagsalita tungkol sa pagkakakilala niya sa 'yo thru the years. Thank you so much again, dearest Ms. Jessica!


"Much love to you and God bless you always. Your fan forever, Sharon. (three red hearts) #kmjs @km_jessica_soho "


After nga ng magkahiwalay nilang interview ni Gabby Concepcion sa Kapuso Mo, Jessica Soho na ipinalabas last Sunday, mapapanood naman ngayon sa YT channel ni Mega ang maikling interview nila kay Jessica, kung saan nagbahagi ang multi-awarded journalist ng tungkol sa mga encounter niya kay Sharon.


Caption niya sa YT post na may title na I-KMJS mo 'Yan, MEGA!, "I was interviewed recently by someone I truly look up to...the one-and-only Ms. Jessica Soho and her team for Kapuso Mo, Jessica Soho on GMA. It's been over 2 decades since I sat down with her but as soon as we started talking, it just felt like catching up with an old friend.


"Thank you so much, KMJS and thank YOU, Jessica! I truly admire and respect you so much.


You are one of my biggest idols in this industry. Thank you for your true friendship throughout all these years."


Tuwang-tuwa nga si Jessica kay Sharon sa kanilang interview at papuri pa nito, hindi raw ito nagbago.


Say ni Jessica, "Tuwang-tuwa ako na binuksan niya ang puso niya. Alam ko naman what Sharon is like, dahil makailang beses ko na siyang nai-interview.


"Pero natutuwa ako na hindi siya nagbago."


Kinilig daw siya sa muli nilang pagtatagpo ni Sharon pagkaraan ng maraming taon.


Kuwento pa ni Ms. Jessica, "Sharon, we patterned our lives after you. Ikaw ang template namin.


"Alam mo, tandang-tanda ko pa 'yung first time na makita ko si Sharon na upclose. Naglalakad siya roon sa hallway sa GMA, paalis na siya. Tapos binati ko siya, 'Hi Sharon!'"


Tapos, sabi raw ni Sharon, kung puwede itong maki-CR at pinapasok naman niya at ipinagmalaking malinis ang CR niya sa News Department.


Dagdag pa niya, "Si Sharon, napapanood ko sa TV. Sabi ko, ang ganda naman niya, kumakanta ng Mr. DJ.


"Naalala ko noon, after GMA Supershow ba 'yun... This was one time na sabi niya, 'Hi, Dad, thank you for having the pool cleaned.'"


Gulat na gulat daw sila sa sinabing 'yun ni Sharon, na 'di talaga niya malimutan hanggang ngayon.


"Sabi ko, 'Wow, may swimming pool sila.'


"Eh, I'm from La Union, small town, buong lugar yata namin, isa lang may swimming pool.


"So, parang unthinkable sa amin na si Sharon Cuneta, may swimming pool. Isa 'yun sa pinag-uusapan namin sa school at ng mga kaibigan ko.


"So, that was how I admired Sharon from afar. Halos magka-age kami, mas bata lang si Sharon (two years ang agwat nila)."


May kuwento rin siya noong time na na-bash si Sharon, na sobrang nakaka-relate siya, kaya nag-reach out siya through text or call at sinabing lakasan ang loob at malalampasan din ang pagsubok na 'yun tulad ng nangyari sa kanya.


Mapusong sabi pa ni Jessica, "Hindi siya nagbago. 'Yung core niya, 'yun pa rin at napakabait. Napaka-pure ng puso, 'yung parang sa bata.


"I suspect na may maliit na bata, who lives inside of Sharon Cuneta. She has remained child like all these years.


"So, tama ang inyong idolo because I sincerely and honestly believe that she is a good person.


"Hindi siya nagbago, despite her fame, despite who she is. Despite kung nasaan siya ngayon.


"Siya pa rin 'yung Sharon Cuneta na nakilala natin publicly and even I think privately, ganu'n siya talaga."


Samantala, two weeks to go na lang at matutunghayan na ang Dear Heart: The Concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Oct. 27 sa SM MOA Arena.


May magandang balita naman si Sharon, dahil soldout na ang SVIP (18,500) at VIP (14,500) tickets, nagdagdag pa sila para sa gustong humabol at naghahanap.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 1, 2023



Matupad kaya ang request ni Vice Ganda na mag-guest sa isang show ng GMA-7? Sa bagong vlog sa kanyang YouTube channel, kabilang sa nabanggit ng comedian-TV host ang kagustuhan niyang mag-guest sa show na hindi binanggit ang title.


“Siyempre magpo-promote, sabi ko, ‘Tita Cory, since magge-guest tayo sa ilang GMA shows, puwede ko bang i-request na mag-guest ako sa programang ito? Gusto ko lang lumabas sa programang ito, kung uubra lang. Sana, mag-guest ako sa show na ito.’


“Tapos sabi ni Tita Cory, ‘Sige, sasabihin natin sa mga bosses. Tingnan natin kung magagawan ng paraan.' Let’s see, gusto ko lang talagang mag-guest doon sa show na ‘yun. So, sana ay matuloy.


“At feeling ko, ang daming nag-aabang. Ang feeling ko, ang daming excited na, ang dami ring umiikot ang puwet at curious kung puwede kaya siyang mag-guest doon? Makakapag-guest kaya siya roon? Iimbitahan kaya siya roon? What if mag-meet sila? So, gusto ko ‘yun, ini-request ko ‘yun sa management. Kung mapagbibigyan, di ang ganda.”


Hindi binanggit ni Vice ang title ng show, pero ang hula ng mga nakapanood ng naturang vlog, ang Kapuso Mo, Jessica Soho ang show na tinutukoy niya.


Maaalalang nagkaroon ng isyu noon sa pagitan nilang dalawa dahil isinali ni Vice sa kanyang ‘rape’ joke sa concert niya sa Araneta Coliseum noon si Jessica Soho.


Nag-sorry si Vice, pero dahil na-offend nga ang kilala at respetadong broadcast journalist ay hindi niya ito tinanggap.


Anyway, sana nga ay okay na ang dalawa ngayon at mas maganda nga kung magkikita sila nang personal ni Jessica upang mapanood ng mga viewers ng #KMJS.


Aliw pala ang video clip ni Vice na kunwari ay kagigising lang niya at paggising, nagtanong kung nasaan siya at saka nakita ang building ng GMA Network.


 
 

@Celebrity Tweets | June 29, 2020



To everyone asking why I'm awake at 3 AM here in Canada, I just finished recording for something. I'm reeeally excited for this...coming soon S.T.N


God bless the jowas na hindi nangiistress sa mga panahong ito!!!!

I already bleached my hair 4 times

Keri naman ako, pero minsan iniisip kong sana out na 'yung jowa ko sa pamilya niya para makapag-share ako ng picture niya na may mukha kahit tuwing Pride lang. Hehehehe. 'Yun lang. As you were.


Bakit ako nagmamarathon ng #kmjs na ganito kaaga? Help!

happy pride i love you so much

Yung magtetext ka sa isang tao for help- Tapos, wala. Wala syang narinig. Problema ang isasagot nya sayo. Na parang wala syang paki sa bigat ng problema mo kumpara sa napakaliit nyang issue. Sana sya nalang nagtext, cocomfort at uunahin ko yan kahit ano pa pinagdadaanan ko.


What Metro Manila parks and open spaces are recommended for walking and exercise with physical distancing? (Unfortunately UP Diliman oval grounds are off limits for unofficial activities)


Lupet ng hacker na-encounter namin ngayon dito sa warzone. Kakaredeploy lang binabaril na kami sa sky. Di man lang nagpakahumble na di sya nagchecheat lol hahaha

 
 
RECOMMENDED
bottom of page