KIM, 6 MONTHS DAW SA CANADA PARA ITAGO ANG PAGBUBUNTIS

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 22, 2026

Photo: IG _chinitaprincess
Marami ang nagtatanong kung nagkataon lang ba na sabay na magli-leave sa showbiz sina Kim Chiu at Paulo Avelino?
Nauna nang nagpahayag si Paulo na hindi muna siya tatanggap ng shows sa TV and movies at maging ng mga endorsements. Maging sa social media ay mananahimik daw muna siya.
May mga bagay daw siyang dapat na asikasuhin. Hanggang end of October daw ang leave ni Paulo.
Samantala, si Kim Chiu ay nakatakdang mag-vacation leave (VL) sa It’s Showtime at sa kanyang kapatid na nasa Canada muna siya titira.
Hanggang March, 2027 daw ang hininging bakasyon ni Kim Chiu.
Dahil dito, lalo tuloy lumakas ang bulung-bulungan na buntis ito at may gustong itago abroad.
Baka naman gusto ni Kim na umiwas muna sa stress dahil sa problema niya ngayon sa kanyang Ate Lakam na nasa kustodiya na ng pulisya dahil sa patung-patong na kaso.
Sumama rin daw ang loob ng tatay ni Kim dahil itinuloy ng aktres ang pagsasampa ng demanda sa kanyang Ate Lakam.
Bukod diyan, may isang dating empleyado rin ni Lakambini Chiu a.k.a. Lakam ang nagbunyag na maraming binalak na gawin ang ate ni Kim para mapahamak ang aktres. Isang bagay na shocking para sa mga fans ng Chinita Princess.
HINDI na muling nagkaayos pa sina Julia Barretto at Gerald Anderson, isang bagay na labis na pinanghinayangan ng kanilang mga tagahanga.
Ang akala ng lahat ay mauuwi na sa pagpapakasal ang relasyon nila noon lalo na’t naging open si Gerald sa pagsasabing handa na siyang bumuo ng sariling pamilya.
Hindi nagsalita sina Julia at Gerald sa dahilan ng kanilang breakup. Inakala ng marami na hindi sila nagkaroon ng closure. At wala namang lumitaw na third party sa panig ni Gerald.
Walang nabalita na nagkaroon siya ng bagong karelasyon. Pero si Julia ay nababalitang may mga mayayamang manliligaw.
Anyway, kahit single at loveless ngayon si Gerald, mukhang masaya naman siya. Ang kanyang mga negosyo ang kanyang tinututukan at nag-e-enjoy siya sa kanyang mga hobbies.
Mukhang hindi na kasama sa mga plano ni Gerald ngayon ang pag-aasawa. Matatagalan pa bago siya makakatagpo ng kapalit ni Julia sa kanyang puso.
BALIKAN NINA JOHN AT HEART, APRUB KAY ISABEL
NEXT year pa ipapalabas ang reunion movie nina Heart Evangelista at John Prats. Kasalukuyan pa lang silang nagsu-shoot ng mga eksena.
Ang plano ay sa February, 2027 ito ipapalabas. Posibleng itaon ito sa birthday ni Heart.
Hindi naman makapaniwala si John na magkakasama silang muli ni Heart sa isang movie project. Ang bilis-bilis ng kanilang negosasyon. Alagang-alaga ni Heart si John sa kanyang mga isusuot sa movie. Mistulang stylist at makeup artist ni John ang kanyang ex-girlfriend.
Wala namang selos factor sa parte ni Isabel Oli sa muling pagtatambal nina Heart at John. In fact, naging close friends na sina Isabel at Heart.
Alam ni Isabel na ikatutuwa ng mga fans ng dalawa ang muli nilang pagtatambal sa pelikula.
Sanay na sa pagdidirek si John kaya puwede siyang magbigay ng inputs para sa ikagaganda ng movie nila ni Heart.
Halata naman ng mga fans na excited si Heart sa pagbabalik ng kanilang tandem sa pelikula ni John Prats.





Comments