top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

VIC, PROUD NA PROUD NA 'DI KURAKOT SI MAYOR VICO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 23, 2021
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 23, 2021




Bilang ama, sobra-sobrang proud si Vic Sotto sa mga papuring natatanggap at magandang paninilbihan ng anak na si Vico Sotto bilang alkalde ng Pasig.


“Kahit naman ako, eh, naging miyembro ng fans club niya, eh,” sambit ni Bossing Vic sa mediacon ng Daddy’s Gurl.


“I’m just very proud na he’s setting a very good example of what good governance is all about.


Na puwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot. Hindi kailangang maging corrupt,” he said.


Sana nga raw ay tularan ang isine-set na magandang ehemplo ni Vico ng ating mga kabataan na gustong maging leaders ng ating bayan.


Samantala, excited si Vic sa mga fresh episodes na mapapanood sa Daddy’s Gurl bilang pagdiriwang sa 3rd anniversary ng sitcom. Bukod nga rito ay nagdagdag sila ng bagong cast na sina Prince Clemente, Carlo San Juan, Prince Carlos at Jem Manicad.


Siyempre, kasama rin nila ang original cast na tulad nga ni Bossing na siya ring co-producer, Maine Mendoza, Oyo Sotto, Wally Bayola among others.


Dahil nga work from home pa rin ang setup ni Vic, ang isang pasabog nila sa sitcom ay ang paggamit nila ng CG (computer graphics) kung saan ay makikitang parang kasama na rin si Bossing sa eksena kahit sa bahay lang ito nagte-taping.


“Hindi na po siya (Vic) naka-kahon lang. Nagawan po namin ng paraan na si Bossing po ay nasa eksena na, buung-buo. Nakikipag-interact na po siya kay Maine, kay Oyo o kay Wally.


So, nag-improve na po kami,” paliwanag ni Direk Chris Martinez.


Napapanood every Saturday ang Daddy’s Gurl.







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page