top of page

VHONG, OUT SA IT’S SHOWTIME DAHIL KAY COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 16, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 16, 2024



Showbiz Photo

Labis na ikinagulat ng maraming fans ni Vhong Navarro ang kanyang pagkawala sa programang It’s Showtime. Pansamantala siyang magpapahinga at hindi mapapanood sa noontime show dahil balitang papalitan muna siya ni Billy Crawford.  


Dati na ring naging host ng It’s Showtime si Billy bago napunta sa programang LOL ng TV5. 


Tanggap naman ni Vhong ang dahilan ng kanyang pag-exit. Sa dami raw kasi ng kanyang pinagdaanan, minsan ay nadidiskaril ang kanyang mga jokes sa segments.


Kaya naman marami ang nagsa-suggest na magpahinga muna siya. 


Pero, may isang serye na pagsasamahan sina Vhong Navarro at Coco Martin kaya’t magiging abala rin siya kahit pansamantalang mawawala sa It’s Showtime.



MAINE, CHANEL BAG ANG B-DAY GIFT KAY RYZZA MAE



Maine Mendoza at Ryzza Mae

BONGGA ang birthday gift ni Maine Mendoza kay Ryzza Mae Dizon nang mag-celebrate ito ng kanyang 18th birthday recently. Isang mamahaling Chanel bag ang iniregalo sa kanya ni Maine. 


Kaya ganu’n na lang ang tuwa at pasasalamat ni Ryzza Mae. Ito ay patunay lamang na generous si Maine at mahal niya si Aling Maliit. 


Bukod dito, isang mala-Cinderella namang debut sa Eat… Bulaga! ang handog kay Ryzza Mae ng lahat ng bumubuo sa EB!. Isa-isa siyang isinayaw at inalayan ng red rose. 


Ganu’n ang halagang ibinibigay ng EB! sa kanilang mga hosts at pamilya ang turing nila sa isa’t isa.


Sa programang EB! lumaki at nagdalaga si Ryzza Mae Dizon at isa siya sa mga ipinagtanggol ng TVJ nu’ng balak siyang alisin ng TAPE, Inc..


Mas pinili ng TVJ na mag-resign na lang sa EB! kung aalisin ang mga dating co-hosts.


Patunay lamang na handang ipagtanggol ng TVJ ang kanilang mga hosts. 


Maging si Ice Seguerra na galing din sa EB! ay welcome na mag-guest.



ISANG malaking himala ang pagkakaligtas ng newscaster-TV anchor na si Arnold ‘Igan’ Clavio nang siya ay dumanas ng hemorrhagic stroke na nagresulta sa pamamanhid ng kanyang kanang braso at binti. 


Batay sa kuwento ni Igan, kagagaling lang niya noon sa paggo-golf sa Eastridge Golf course nu’ng June 11, 2024. Naramdaman niya ang biglang pamamanhid ng kanyang kanang braso at binti, tumaas ang kanyang BP (blood pressure) ng 220/120. Sinikap niyang makapunta sa pinakamalapit na ospital sa Antipolo, ang Fatima University Medical Center at agad nagpadala sa Emergency Room (ER) at nagpa-CT scan. Agad din siyang inilipat sa St. Luke’s Hospital upang ma-monitor ang kanyang kalagayan.


Kaya payo ni Igan sa lahat ay dapat tutukan nila ang kanilang BP at cholesterol level.


Marami naman ang nag-alay ng dasal para sa mabilis na recovery niya. 


Kailangan din na mag-slow down muna siya sa kanyang mga trabaho at magpahinga.


Huwag balewalain kung anuman ang nararamdaman sa katawan upang makaiwas sa sudden stroke. 


Health conscious naman si Arnold Clavio at hindi niya inaabuso ang kanyang katawan.


Pero, sa sobra niyang kaabalahan sa kanyang trabaho sa radyo at telebisyon, plus mga charity projects ng IGAN Foundation ay nakakalimutan na niya minsan ang ipa-check ang kanyang blood pressure. 



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page