top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Very obyus na nagkabalikan na talaga... KATRINA AT KRIS, NAGSASAMA NA SA IISANG BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 14 minutes ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 25, 2026



Kris Lawrence at Katrina Halili - IG

Photo: File / Kris Lawrence at Katrina Halili - IG



Hindi na kailangan pa ng opisyal na pag-amin mula kina Katrina Halili at Kris Lawrence sa tunay na status ng kanilang relasyon ngayon, dahil base sa kanilang mga larawang naka-post sa social media at sa kanilang gesture sa isa't isa, obyus namang nagkabalikan na talaga sila.


Halos langgamin sila sa sobrang sweet. Bigay na bigay naman ito sa kanilang body language, lalo na si Katrina. Blooming ang aktres at halatang in love.


May mga chika pa ngang magkasama na ang dalawa sa bahay.

Well, labis namang ikinatuwa ito ng anak nilang si Katie. Buo na ang kanilang pamilya at magkakasama na sila nang madalas. 


Maging ang mga kaibigan nila ay masaya para sa kanila.

Well, ito ang love story na may second chance. Muli silang pinagtagpo ng kapalaran upang bumuo ng kanilang mga pangarap.


Ganunpaman, medyo may agam-agam daw si Katrina, nag-aalala na baka may mga pagsubok na namang dumating sa kanilang relasyon ni Kris.





Tameme sa kalat nang buntis siya…

KIM, ‘DI TOTOONG DYOWA SI PAULO



HANGGANG ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang mga tsismis tungkol sa preggy issue kay Kim Chiu. Mainit pa rin itong pinag-uusapan sa social media at maging ang mga fans ay naguguluhan na rin.


Kahit na anong paliwanag ang gawin ng kampo ni Kim tungkol sa preggy issue ay pinagdududahan ng lahat. Kaya maging ang Star Magic na nangangalaga sa career ni Kim ay nababahala at nag-aalala na rin dahil baka makaapekto ang ganitong tsismis sa career ng Chinita Princess, lalo na’t may malalaking endorsements ang aktres-host.


Kaya naman, may nagpapayo na once and for all, harapin na niya at bigyan ng linaw ang tungkol sa preggy issue.


Ganunpaman, depensa ng kampo ni Kim, kailangan ba na pati ang personal matters ng aktres ay pakialaman ng Star Magic?


Well, ang isa pang nakakaintriga, ayon sa psychic card reader na si Jovi Vargas ay ang sinabi niyang wala namang relasyon sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Para lang daw sa kanilang career ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.





ANG CreaZion Studios na pala ang namamahala ngayon sa career ni Christopher de Leon.


Ang ibang artists na kasama niya ay sina Charo Santos, Dolly de Leon, Meryll Soriano, Tony Labrusca, Chai Fonacier, Jade Lopez at Gabby Padilla.


Si Rex Tiri ang founder/owner ng CreaZion Studios, si Anter ‘RJ’ Agustin ang chief executive officer (CEO) at si Real Florido ang chief creative officer (CCO) at executive vice-president.


Dati ay nasa poder ng yumaong veteran writer na si Lolit Solis si Boyet. Ngayong wala na ang dating manager, nagdesisyon siyang humanap ng taong tutulong at magma-manage sa kanyang career.


May movie ngayong ginagawa si Christopher at kasama rin siya sa bagong serye ni Alden Richards sa GMA-7. 


Bukod sa TV show, madalas din siyang maimbitang mag-show sa USA, kasama si Tirso Cruz III.


Marami nang aktor ang nag-semi-retire na sa showbiz at nagnegosyo na lang pero si Boyet ay nananatiling in demand pa rin sa telebisyon at pelikula. Hindi pa rin matatawaran ang galing niya bilang dramatic actor. Hindi man siya isang heartthrob, puwede siya kahit na sa anumang klaseng role.





Basta may work…

DIMPLES, OKS LANG NA LAGING NANAY ROLES 



PARA kay Dimples Romana, okey lang na laging mother role ang kanyang ginagampanan sa mga projects na ibinibigay sa kanya. Ang importante, may trabaho siya at may regular exposure sa telebisyon at pelikula.


Mga sikat na artista ang kanyang mga naging anak sa mga serye, tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Julia Montes, Andrea Brillantes at Francine Diaz.


Nag-e-enjoy naman siya sa pagiging ina sa mga projects na ginawa niya.

Nang mapunta si Dimples sa TV5, nabigyan siya ng chance na maging host sa morning news program na Gud Morning Kapatid (K), na ngayon ay napalitan ng Frontline sa Umaga (FSU).


Bagong challenge ito para sa aktres, at nahasa siya sa news program.

Ganunpaman, gusto pa rin niyang umarte at magkaroon ng serye sa TV5.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page