Valieva, tuloy ang Beijing Campaign
ni MC - @Sports | February 16, 2022

Dinepensahan ng 15-anyos na figure skater ang pinasok niyang problema sa doping ng Winter Games nang magpositibo siya sa drug test at aniya, naki-share lang siya sa gamot sa sakit sa puso ng kanyang lolo upang hindi sumakit ang kanyang dibdib, ayon sa Olympic official kahapon.
Sa argumento ni Russian Kamila Valieva sa hearing ng Court of Arbitration for Sport (CAS) iyan ay kung papayagan pa ba siyang magpatuloy sa kompetisyon sa Beijing, ayon kay Denis Oswald, Permanent Chair ng International Olympic Committee's Disciplinary Commission. "Her argument was this contamination happened with a product her grandfather was taking," ani Oswald.
Hindi agad tumugon ang World Anti-Doping Agency (WADA) at ang IOC sa tanong ng Reuters. Naunang sinabi ng IOC sa isang press conference na Valieva "B" sample ay hindi pa naanalisa sa kabila ng initial positive result.
Pero pinayagan na ng CAS ang teenager na magpatuloy sa kompetisyon sa single event nang sumang-ayon ang panel sa pasya ng Russian Anti-Doping Agency's (RUSADA) na i-lift ang ban sa kanya.
Nasuring positibo si Valieva sa national championships noong Dis. 25, mula sa banned angina drug na hindi nabunyag hanggang Peb. 8, nang pumasok siya sa Beijing Games. "These (past few) days have been very difficult for me," ani Valieva. "It's as if I don't have any emotions left. I am happy but at the same time I am emotionally tired."
Ang banned substance kay Valieva ay isang gamot na nagpapaibayo sa lakas ng pagbomba ng dugo sa puso at buong katawan. Nagpapadagdag sa daloy ng dugo at naglalabas ng oxygen sa mga masel ng katawan na naghahatid ng malaking benepisyo sa atleta.





Comments