top of page

Uuwing Pinoy seafarers na hinostage sa Red Sea, bigyan ng ikabubuhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 24, 2025
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | Jan. 24, 2025



Boses by Ryan Sison

Tiyak na masayang-masaya ang mga pamilya ng mga Filipino seafarers, na napaulat na hinostage ng mga Houthi rebels, dahil makakasama na rin nila ang mga ito.


Kaya labis ang pasasalamat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Oman Sultan Haitham Bin Tarik at sa gobyerno nito dahil sa matagumpay nilang mediation at pakikipag-usap upang mapalaya ang 17 Filipino seafarers na crew ng M/V Galaxy Leader mula sa mga rebeldeng Houthi noong November 2023 sa Red Sea.


Pinuri naman ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno at private instrumentalities na walang humpay na nakipagtulungan sa mga foreign governments at entities para lamang mapalaya ang mga Pinoy makaraan ang higit isang taon o 14 na buwan.


Binigyang-diin ni PBBM na ang mga Pinoy seafarers ang dahilan kaya niya pinirmahan ang Magna Carta for Filipino seafarers na layong maprotektahan ang kanilang karapatan at kapakanan, maitaguyod ang kanilang full employment, at matiyak ang pantay na oportunidad sa maritime industry kabilang na ang access sa edukasyon, at training at development, na nakasalig sa mga umiiral na domestic at international laws, standards, at conventions.


Huwebes nang gabi, January 23, ang nakatakdang pagdating ng mga Pinoy seafarer sa Pilipinas mula sa Muscat, Oman, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Mabuti at kapiling na rin ng mga kababayang Pinoy seafarer ang kani-kanilang mahal sa buhay na sabik na sabik na sila ay makita at mayakap. 


Marahil, araw-araw din ang ginagawang pagdarasal ng mga pamilya nila na sana ay palayain na sila mula sa mga kamay ng mga rebeldeng Houthi at makauwi na sa bansa.

Salamat na lamang dahil nakita rin natin na may aksyon pala ang ating gobyerno hinggil sa kanilang kalagayan at hindi sila nagpabaya sa mga ito. 


Hiling lang natin sa kinauukulan na sana bukod sa pagpapalaya at repatriation ng ating mga kababayang Pinoy seafarers ay pagtuunan din ang magiging kabuhayan ng mga ito, kung saan wala silang pagkakakitaan pagdating nila rito sa bansa.


Kumbaga, dapat silang mabigyan ng trabaho nang sa gayon ay mayroon silang ikabubuhay para sa sarili at pamilya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page