Utu-uto lang daw ang maniniwala sa aktres… CHERRY PIE, BINARA NG NETIZEN NA DRAMA AT KAEKLATAN LANG
ANG POST SA 1 YR. NG ABS-CBN SHUTDOWN
Julie Bonifacio - @Winner | May 09, 2021

Hindi pinalampas ni Cherry Pie Picache ang isang netizen na nag-comment na "drama at kaeklatan" lang daw ang naka-post na mensahe sa Instagram account ng Kapamilya actress noong araw ng ika-isang taon ng ABS-CBN shutdown.
Caption ni Cherry Pie sa IG post niya na picture ng TV screen na naka-sign-off, “Ang aking dasal, makita ka muling malaya. (3 hearts and 3 praying hands emoji)”
Tinawanan ng netizen ang caption ni Cherry Pie, “Hahahaha! Nakakulong ba ang ABS? Tinalian? Deprived magpalabas ng balita at shows? Hahahaha! Pag 'di naman, ah! Napakaingay n'yo nga kahit nu'ng nawalan na ng franchise, eh… Tigil-tigilan ang drama, Cherry pie! Mga utu-uto lang naniniwala sa kaeklatan mo…”
Sinagot ni Cherry Pie ang comment ng netizen, “Ang pagiging malaya ba ay synonymous sa pagkakakulong lang? Kung sabagay…sinasabing malaya pero nakakulong tayo…drama? Kaeklatan? Siguradung-sigurado ka siguro sa bayan na kakalakihan ng anak, pamilya at kung sinong kabataan na mahal mo. Good for you!! (Peace sign and praying hand emoji),” reply ni Cherry Pie.
Nakiayon naman ang ibang netizens sa aktres, “Well said! Agree with you completely.”
Pero bumanat ulit ang netizen na nang-bash kay Cherry Pie, “Hahahaha! Nuh daw?(laughing emoji)”
Dahil d’yan, ang basher naman ni Cherry Pie ang pinagtawanan at ipinamukha sa kanya kung gaano kaliit ang kanyang utak.
“Minsan talaga 'pag ganito kaliit ang utak ng basher/commenter, gusto mo na lang sumigaw ng KEVIN WENDELL CRUMB!!!!”
‘Yun na!





Comments