Utos ng SC... PBBM, pinasasagot sa petisyong drug test
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | April 23, 2026

Photo: File / Bongbong Marcos - FB
Inatasan ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magsumite ng kanyang komento sa loob ng 10 araw kaugnay ng petisyon na humihiling na sumailalim siya sa physical at mental examination kabilang ang hair follicle drug test.
Kumilos ang Korte Suprema kaugnay ng petisyong inihain nina Pantaleon Alvarez, Virgilio Garcia, Juan Raña, at Raymundo Junia laban kay Pangulong Marcos at Executive Secretary Ralph Recto bilang mga respondent.
“The SC, without necessarily giving due course to the petition, directed respondents to comment within a non-extendible period of 10 days from receipt of notice,” ayon sa SC Public Information Office.
Binanggit ng mga petitioner ang mga naging pahayag ni Senador Imee Marcos, kapatid ng Pangulo, hinggil sa sinasabing matagal nang pagkagumon nito sa ilegal na droga.
Ipinunto nila na batay sa 1987 Constitution, dapat ipaalam sa taumbayan ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo sakaling magkaroon siya ng malubhang karamdaman.
Matatandaang naghain ang kampo ni Alvarez ng isang petisyon para sa writ of mandamus na nag-uutos kay Pangulong Marcos na sumailalim sa physical at mental examination partikular ang hair follicle drug test.
Hiniling din sa petisyon na atasan si PBBM na isiwalat at ilathala ang medical report na naglalaman ng resulta ng pagsusuri, kabilang ang physical at medical fitness niya para gampanan ang mga tungkulin bilang Pangulo.




Comments