Utos ng network… KAPAMILYA STARS, BAWAL MAG-ENDORSE NG MGA CONG. NA NAGPASARA SA ABS-CBN
- BULGAR
- Nov 13, 2021
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 13, 2021

Next week na magsisimula si Megastar Sharon Cuneta para sa locked-in taping niya sa inaabangang appearance niya sa FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN.
Ngayon pa lang, tiyak na gigibain nang todo ang ratings game sa primetime TV at sa lahat ng digital platforms ng Ang Probinsyano.
Nangangahulugan din ito na hindi pa rin makakasama si Mega sa kampanya ng kanyang mister na si Senador Kiko Pangilinan na tunatakbong vice-president bilang ka-tandem ni VP Leni Robredo for president.
Pero medyo malayo pa naman ang botohan kaya marami pang pagkakataon si Mega na sumama sa campaign ni Sen. Kiko.
Kumbaga, pang-homestretch na si Mega and hopefully, dyo-join din sa kanya ang eldest daughter niyang si KC Concepcion para ikampanya ang kanyang Daddy F. Or, baka naman mag-stay na lang sa US si KC at doon na bumoto since doon naman siya naka-register.
Kasi kapag umuwi pa ng 'Pinas si KC at ikinampanya si Sen. Kiko, baka may magtampo naman sa kanya. Better na siguro na manahimik siya sa US at "mag-play safe" na lang.
At kahit wala si KC, for sure, marami pa rin ang makakasama ni Mega to campaign for her hubby. Siyempre, tiyak na susuportahan si Mega ng mga taga-Ang Probinsyano para sa kampanya kay Sen. Kiko.
And how true na may directives na diumano from ABS-CBN management na hindi mag-e-endorse ang mga Kapamilya stars ng mga kandidato ngayon na bumoto for franchise denial ng ABS-CBN sa Congress and mga kaalyado nito.
Well, understandable naman ito. Pero siyempre, we have yet to confirm this, 'noh?





Comments