Utol nina Robin, Rommel at BB… ROYETTE, INATAKE SA PUSO, PUMANAW NA SA EDAD 58
- BULGAR

- Jan 10, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | January 10, 2021

Pumanaw na kahapon, Sabado, ang dating aktor na si Royette Padilla.
Mabilis na kumalat sa social media, especially sa Facebook, ang balita tungkol sa pagkamatay ni Royette. Una naming nabasa ito sa isang post sa Facebook friend namin na nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ng kapatid ni Robin Padilla.
Sinikap naming kumpirmahin ang nakita naming post at mula sa mapagkakatiwalaang source ay sinabi niya na totoo ang balita. Heart attack daw ang sanhi ng pagkamatay ni Royette at the age of 58.
Si Royette ang panganay sa magkakapatid na Padilla sa showbiz na sina Rommel, Robin at Rustom, na kilala ngayon bilang si BB Gandanghari.
Ayon pa sa nabasa naming FB post, kamamatay lang din daw ng misis ni Royette few months back.
Sinilip namin ang social media account ni Robin, ng misis niyang si Mariel Padilla, ni Karla Estrada na ina ng pamangkin ni Royette na si Daniel Padilla at maging ang IG ng dyowa ni Kathryn Bernardo, pero wala pa silang ipino-post na anuman regarding sa pagkamatay ni Royette.
Nakumpirma lang ang balita sa Facebook account ng kapatid na babae ni Royette na si Rebecca na humihingi ng panalangin sa kanyang post bandang hapon kahapon (Jan. 9).
Sa unang post niya ay nakasulat ang pet name ni Royette sa pamilya na "Oyroroo" with lots of exclamation marks and three red hearts.
Next post ay ito ang nakalagay, "Pls. whisper a prayer for our brother Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please."
Most of Royette's past movies ay mga pinagbidahan ni Robin. Nakasama rin si Royette sa mga pelikulang Mistah kasama 'di lang si Robin kundi pati na si BB na Rustom pa ang name that time.
And speaking of BB, timing ang paghingi niya ng sorry kay Robin sa kanyang vlog at pagpapatawad na rin niya sa kanyang pamilya for whatever pain they caused 'her'.
Just in case umuwi si BB ng 'Pinas para kay Royette, magkita man sila ni Robin sa wake, eh, wala nang samaan ng loob at walang gulong puwedeng maganap.
'Yan ang magandang i-vlog ni BB sa kanyang YouTube channel, positibo at 'di nega ang dating.
Although, mukhang 'di na ganu'n kabongga ang views and attention na nakukuha ni BB for saying sorry sa mga napulaan niya before sa kanyang vlog sa YouTube as compared sa mga nauna niyang videos.





Comments