top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

UTANG NA PAINTING NINA MANNY AT JINKEE, 5 YRS. NA, 'DI PA BAYAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 22, 2021





How true na may pagkakautang daw ang asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee sa isang pastor na pintor?


Hindi raw sinasadya ng pastor na maalala ang pagkakautang ni Jinkee sa kanyang painting.


Ang kuwento ay may dumalaw sa studio ng Obra Ni Nanay Gallery na pag-aari ni Nanay Cristy Fermin. Dumating daw ang isang pastor na pintor, si Gene Leysa, kasama ang isa ring pastor at pintor na si Pastor Joe Florendo.


Dadalaw lang daw sana ito sa batikang manunulat na si 'Nay Cristy at para na rin ipakita ang kanyang mga obra, nang bigla raw nitong maalala na may ginawa siyang larawan ng mag-asawang Manny at Jinkee noong 2016.


Ipinakita raw niya sa mag-asawa ang nasabing portrait nila. Nang makita ni Jinkee, sinabi umano nitong pababayaran niya kay Sen. Manny ng P200,000 ang larawan na ang sukat ay 3x4 feet.


Kaya lang, nakakailang singil na raw siya ay 'di pa rin nababayaran.


Ang laging sinasabi raw ay pababayaran sa mister na congressman pa noong 2016, hanggang umabot na nga ngayong 2021 at senador na ang asawang boksingero, wala pa rin.


Wala naman daw siyang hinanakit sa mag-asawa. Ang nais lang ng pastor ay masingil ang P200 K. Malaking tulong naman daw kasi 'yun sa kanilang simbahan.


Anyway, kung anuman ang katotohanan sa painting nina Manny at Jinkee, sana ay makapagpaliwanag din ang butihing asawa ng atletang senador.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page