top of page

Usurpation of Authority sa nagpapanggap na empleyado ng gobyerno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 5, 2020



Dear Chief Acosta,


Ako ay government employee at napag-alaman ko na ang aking kapitbahay ay na-hire bilang empleyado ng Registry of Deeds (RD). Dahil sa malapit lang naman ang aming office sa RD, napansin kong madalas siyang nasa labas ng building ng RD at nakikipag-usap sa mga taong may transaksiyon doon. Dahil sa kaduda-dudang kilos nito, itinanong ko sa admin ng RD kung empleyado nga ba nila ito. Laking gulat ko nang makumpirma kong hindi pala siya empleyado ng RD. Hindi ko ito inakala sapagkat nagsusuot din siya ng uniform ng mga empleyado. Ano ba ang maaaring ikaso sa kanya? – Martha


Dear Martha,


Ang inyong kapitbahay ay maaaring kasuhan ng Usurpation of Authority at Illegal Use of Uniforms and Insignia ayon na rin sa Article 177 at 179 ng Revised Penal Code of the Philippines, viz:


“Article 177. Usurpation of authority or official functions. – Any person who shall knowingly and falsely represent himself to be an officer, agent or representative of any department or agency of the Philippine Government or of any foreign government, or who, under pretense of official position, shall perform any act pertaining to any person in authority or public officer of the Philippine Government or any foreign government, or any agency thereof, without being lawfully entitled to do so, shall suffer the penalty of prision correccional in its minimum and medium periods.
Article 179. Illegal use of uniforms or insignia. – The penalty of arresto mayor shall be imposed upon any person who shall publicly and improperly make use of insignia, uniforms or dress pertaining to an office not held by such person or to a class of persons of which he is not a member.”

Base sa inyong kuwento, malinaw na ang inyong kapitbahay ay liable sa kasong Usurpation of Authority sapagkat nagpanggap siyang empleyado ng Registry of Deeds (RD), isang kawani ng gobyerno, kahit na alam niyang hindi talaga siya empleyado nito. Sa katunayan, sapat na ang pagpapakilala niya bilang officer o agent ng gobyerno sa ibang tao upang makagawa ng krimen na ito. Bukod dito, dahil sa ilegal na paggamit at pagsuot niya ng uniform ng mga empleyado ng RD, kahit na alam niyang hindi naman siya empleyado nito, siya ay maaari ring kasuhan ng Illegal Use of Uniforms or Insignia.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page