USA nanatiling perpekto, itinaob ang Czechia sa VNL
- BULGAR

- Jun 19
- 2 min read
by Gerard Arce @Sports News | June 16, 2026

Photo: Hindi inabutan ng pagdepensa nina #2 Jordyn Poulter at #16 Daba Rettke ng United States of America ang banat na pag-atake ni Michaela Mlejnkova ng Czechia sa maaksyong tagpo nila ng Women's Volleyball League na ginaganap sa Philsports Arena, Pasig City kahapon. (Reymundo Nillama)
Mga laro ngayong Biyernes
(Philsports Arena, Pasig City)
4 pm – Dominican Republic vs Serbia
8 pm – Japan vs Czechia
Nagpatuloy sa pananalasa ang three-time world champion United States of America matapos dominahin ang Czechia sa straight sets 25-17, 25-12, 25-16, kasunod ng matibay na depensa upang makamit ang ikalimang panalo sa pagpapatuloy ng hampasan ng Philippine leg ng Volleyball Nations League kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Muling nanguna pagdating sa atake si Jordan Thompson sa 15 puntos mula sa 14 atake at isang block, at dalawang excellent digs habang mayroon itong 55.85 efficiency percentage upang maipagpatuloy ang kahusayan sa Week 1 ng opener ng VNL Week 2 na prinisinta ng Philippine Sports Commission.
Nagpamalas ang World No. 6 ng matinding atake sa kabuuang 40 puntos kontra 27 ng Czechia, ngunit mas nangibabaw ang matatag na net defense ng koponan sa 12 blocks, habang naging malinis ang takbo ng opensa at sistema sa limang errors lamang kumpara sa 15 ng Czech Republic.
Naging matatag ang puwesto ng Amerika sa second place sa likod ng unbeaten Brazil sa 5-1 win-loss record na sinegundahan sa atake ni outside hitter Logan Eggleston sa 11 marka mula sa siyam na kills at dalawang aces kasama ang apat na digs, habang nangibabaw sa depensa si middle blocker Chiaka Ogbogu na may impresibong anim na blocks at limang atake para sa kabuuang 11 puntos.
Nag-ambag din para sa American squad si Avery Skinner sa siyam puntos galing sa pitong atake at dalawang net blocks, kasama ang tig-apat na digs at receptions.





Comments