top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

Bagong MPPT Pickleball ng Solar Sports, abangan

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

by MC @Sports News | September 25, 2026



Bagong MPPT Pickleball ng Solar Sports, abangan

Photo: Lumagda sa kasunduan ang Maharlika Pilipinas Pickleball Tournament at ang Solar Sports ang mga opisyal sa pangunguna ni Solar Sports President Wilson Tieng at MPPT Commissioner Mark Espinosa, kasama ang ilang kinatawan ng bawat koponan kabilang ang Rizal Ilustrados, Batangas at iba pa sa Solar Century Tower, Makati City. Sisimulan ang Pickleball Tour sa Oktubre 3-4 sa Angeles City, Pampanga. (Reymundo Nillama)



Bilang pinakamabilis na lumalagong isport sa bansa ang pickleball ay magkakaroon ng opisyal na torneo para sa mas malawak na pag-unlad sa paglulunsad ng kauna-unahang Maharlika Pilipinas Pickleball Tour (MPPT) kaagapay ang Solar Sports sa Okt. 3 sa limang magkakaibang lungsod.


Ang MPPT ang magsisilbing pinakabagong liga bukod sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Season 8 dahil ang sports patron at founder na si Manny Pacquiao, ang bagong itinalagang kalihim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ay patuloy na nagtataguyod ng paglago ng sports sa bansa higit pa sa boxing.


Nakatakdang ipalabas ang MPPT sa Solar Sports tuwing Sabado at Linggo na katatampukan ng 12 koponan, na binubuo ng 8-10 manlalaro kabilang ang dalawang lokal na teams para sa Invitationals bago ang inaasahang partisipasyon ng 16 hanggang 24 na koponan sa Season 1 sa Marso 2027.


"Mula sa simula, ang aming layunin ay bigyan ang mga atletang Pilipino ng mas malaking plataporma at tulungan na makaimpluwensiya ang pickleball sa mas maraming tao sa buong bansa," sabi ni Pacquiao.


"Mayroon kaming iisang pananaw sa Solar Sports at iyon ay ang dalhin ang pickleball ng Pilipinas sa susunod na antas kasama ang MPPT. Excited kami sa torneo na ito kasama ang isa sa pinakamahusay na sports network ng bansa," dagdag ni MPPT commissioner Mark Espinosa.


"Umaasa kaming maisusulong ang sport," sabi ng presidente ng Solar Sports na si Wilson Tieng, isang matagal nang kaibigan ni Pacquiao noong panahon ng kanyang lakas sa boksing.


Ang Rizal Illustrados, sa pangunguna ng dating pambansang tenista na si Bambi Zoleta, kasama ang Pampanga Chiefs, Bacoor Strikers, Muntinlupa Smashers, Pampanga Chiefs, Batangas Bangers, Alfonso Siklab, Bangued Miki, GenSan Punchers, Paranaque Titans, Camarines Norte Golden Hawks at Abra River Paddlers ay sasali sa unang torneo.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page