top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

Asian Games: Olympians Paalam at Petecio, umusad pareho sa quarterfinals

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 26, 2026



PFA Nat'l: Morales, ginto sa Cadet Women's Foil event

Photo: Ang maaksiyong pakikipagbakbakan nina Paalam (men's) at Petecio (women's) upang makapasok sa quarterfinals ng Asian Games boxing. (pocmedia)



Kapwa tagumpay ang dalawang nalalabing Olympian medalists na sina Carlo Paalam at Nesthy Petecio na sumuntok ng magkahiwalay na tagumpay ngayong Sabado upang umusad sa quarterfinals ng 20th Asian Games Aichi-Nagoya 2026 boxing event na ginanap sa Nishio Gymnasium sa Aichi, Japan.


Walang planong huminto para sa inaasam na gintong medalya ang kapwa silver medalists sa 2020+1 Tokyo Olympics matapos parehong lampasan at dispatyahin ang kanilang mga katunggali sa round of 16 boxing events, kasunod ng pagkakatalsik ni 2024 Paris Olympics bronze medalist Aira Villegas sa women’s 51kgs, beteranong si Riza Pasuit sa women’s 54kgs division, at Norlan Petecio sa men’s 70kgs.


Naunang natakasam ng 2018 Jakarta Asiad bronze medalist na si Paalam si Commonwealth Games silver medalist Jadumani Mandengbam ng India sa bisa ng 3-0 split decision sa men’s 55kgs division, matapos masilip nina Ben Mcgarrigle ng Ireland at Osama Hanafy ng Egypt na tabla ang laro, habang pumabor naman ang tatlong nalalabing hurado na sina Maruf Urdushev ng Uzbekistan, Mohammad Mustafa Alkasbeh ng Jordan at Sarra Bouhlel ng Tunisia kay Paalam.





"Mahusay din ang Indian, kapag bago gusto nila matalo ang may pangalan na. Nakisabay na lang ako sa kanya sa huling round," pahayag ni Paalam sa POC Media, na bagaman matagal na nabakante sa bakbakan ay mas malugod na tinatanggap ang kanyang kasalukuyang pangangatawan.


"Sobrang ganda po yung laban namin. Tsaka nag-adjust din po talaga ako sa taas ng ring kanina po kasi yun nga, first time ko lumaban ngayon,” dagdag ng 28-anyos mula talakag, Bukidnon na tila naihantulad ang ginagawa ng nag-iisang eight division world champion Manny “Pacman” Pacquiao sa ibabaw ng ring.


Hindi naman kinailangan tapusin ng 2019 World champion at two-time Olympic medalist na si Petecio ang laban kontra Mays Alreem Abukhadijah ng Jordan nang mapagdesisyunan ni referee Rukman Wekadapola ng Sri Lanka na tapusin ang laban kasunod ng dalawang standing eight count mula sa mabigat na hooks ni Petecio.


Parehong masisilayan sa Lunes, Setyembre 28, sina Paalam at Petecio sa quarterfinals, habang pasok na rin si Junmilardo Ogayre sa men’s 60kgs category final eight, para sa six-man team ng national pugs na susubukang tuldukan ang 16-taong pagkagutom sa ginto sa Asiad quadrennial meet na huling kinuha ni Rey Saludar sa 2010 Guangzhou Games.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page