top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

PAULO, TODO-SUPORTA KAY KIM, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 26, 2026



SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino

Photo: IG _pauavelino



Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang TV host-actress na si Kim Chiu tungkol sa demanda niya sa kanyang Ate Lakambini ‘Lakam’ Chiu na dahilan ng pagkakakulong nito sa kasong qualified theft.


Dumalo si Kim nu’ng Huwebes ng umaga sa Quezon City Hall of Justice para dinggin ang pagbasa ng sakdal sa Ate Lakam niya. Kasama niya ang Star Magic head at manager ni Kim na si Direk Laurenti Dyogi, handler ng aktres na si Joy Lomibao at abogado nito.


Huwebes nang gabi ay nag-post si Kim ng official statement sa kanyang Facebook (FB) account tungkol sa demanda niya sa kanyang Ate Lakam. Inamin niyang labis din siyang nasasaktan pero kinailangan niyang gawin ito.


Narito ang official statement ni Kim Chiu.


“I do not know where to start po. Sobrang nasasaktan po ako. People may have different opinions with my decision, and I understand that.


“There are things I cannot talk about because there is an ongoing legal process. This was never about my personal money.


“This is about a business which started in 2023, built with years of hard work, sacrifices, and dreams. A business I poured my heart into, hoping it would become my future when the time comes for me to step away from show business.


“What my legal team and I have filed covers ONLY the period from January to July of 2025. There is so much more to this story that I am choosing not to disclose publicly.


“This is a business I worked so hard to build, and I believe that going through this legal process should never take away the company’s right to stand up for what is right, protect what the company have worked for, and seek accountability through the proper legal process.


“There is so much I am choosing not to say right now. Not because I do not have a story to tell, but because there is a proper time and place for the truth. For now, I trust and let the legal process take its course.”


Trending ang statement na ito ni Kimmy sa social media at marami ang nakisimpatya sa kanya.





ISA pang nag-trending ay ang post ni Paulo Avelino sa X (dating Twitter) na bagama’t wala siyang pangalang binanggit ay nagbigay siya ng sitwasyon na ang pinatutungkulan umano ay si Lakam Chiu at ang rumored girlfriend niyang si Kim Chiu na may kinalaman sa nawawalang pera sa opisina.


Tweet ni Paulo noong Huwebes ng hapon, “I don’t think people understand the value of the ‘amount’ stolen. Think about what you would do with that money. Bibili ka ng bahay? Medical Bills? School? Magsisimula ka ng bagong buhay? 


“That amount can build the life you’ve always dreamed of. Now imagine someone took the life you’re supposed to be living in. 


“Sa company pa lang ‘yan. Paano pa kaya sa… (emoji man shrugging).”





MAY reaksiyon ang Facebook (FB) content creator-vlogger na Abogada Ng Bayan, na may 1.6M followers, tungkol sa demanda ni Kim Chiu kay Lakam Chiu.

Aniya, “This is just my real-talk observation:


“‘Pag ikaw ang matagal na provider ng pamilya, ikaw ang tumutulong, ikaw ang bumubuhay, ikaw ang nagbibigay ng pagkakataon at higit sa lahat, ikaw ang nagbibigay ng tiwala… ‘Di basta-basta nagha-harden ang puso mo. 


“Bago pa umabot sa puntong kaya mo nang dalhin sa korte ang isang taong kadugo mo, marami nang nasaktan, maraming beses nang napag-usapan, at may puntong kailangan mo nang protektahan ‘di lang ang sarili mo kundi pati ang pinaghirapan mo.


“Kasi kapag stranger ang gumawa sa ‘yo, puwedeng sabihin, ‘Idemanda ko.’ Pero ‘pag kapatid mo? Ibang klase ang sakit.


“Kaya ang legal lesson dito ay hindi lang tungkol sa qualified theft. It is also about #trust and #boundaries. ‘Di porke’t pamilya, unlimited ang access.

“‘Di porke’t kapatid, automatic may authority sa pera mo.


“At ‘di porke’t mahal mo ang isang tao, kailangan mong hayaan na paulit-ulit kang masaktan para lang mapanatili ang pamilya.


“Minsan, ang pinakamahirap na lesson sa pamilya ay ito: Ang pagpapatawad ay ‘di nangangahulugang wala nang accountability. At kung may pagkakamali man, may mga pagkakataong kailangan talagang matutunan ang lesson, sadly, the hard way. #abogadangbayan.”


Samantala, bukas ang kampo ni Lakam Chiu tungkol sa statement ni Kim Chiu.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page