top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 22, 2025



Bryan Baginas

Photo : Nalusutan ni opposite hitter Yuri Romano ng Italya ang blockings nina #17 Luciano Vicentin at #4 Joaquin Gallego ng Argentina sa yugtong ito ng laban kahapon sa playoffs ng FIVB MWCH sa MOA Arena. (fivbpix)



Laro ngayong Lunes - MOA 

3:30 PM Bulgaria vs. Portugal 

8 PM USA vs. Slovenia 


Madaling iniligpit ng defending champion Italya ang hamon ng Argentina sa tatlong set sa pagpapatuloy ng 2025 FIVB Volleyball Men's World Championship Philippines 2025 knockout playoffs kahapon sa MOA Arena.  


Itinatak ng mga kampeon ang kanilang kalidad - 25-23, 25-20 at 25-22. Namuno sa Italya si Alessandro Michieletto na may 15 puntos buhat sa 12 atake.  Sumuporta sina Yurin Romano na may 14 at Mattia Bottelo na may 13 mula 12 atake. Tanging si Luciano Vicentin ang gumawa sa Argentina na may 15.  


Ito ang kanilang unang talo sa torneo matapos walisin ang Pool C laban sa Finland at Pransiya at Timog Korea. Hihintayin na lang ng Italya ang manananalo sa pagitan ng Finland at Belgium.  Ang laro ay nakatakda para sa Miyerkules. Tatangkain ng Bulgaria na mapabilang sa quarterfinals sa pagharap sa Portugal ngayong Lunes.  


Sumasakay ang Bulgarians sa pagwalis ng kanilang tatlong laban sa Pool E kontra Slovenia, Alemanya at Chile. Sa tampok na laro, haharapin ng paborito ng mga tagahanga Estados Unidos ang hamon ng Slovenia.  Malinis ang mga Amerikano sa Pool D kung saan tinalo ang Portugal, Cuba at Colombia. 


Samantala, nakamit ng FIVB numero uno Poland ang upuan sa quarterfinals sa pagbigo sa Canada - 25-18, 23-25, 25-20 at 25-14.  Haharapin na nila ang Turkiye na pinauwi ang The Netherlands - 27-29, 25-23, 25-16 at 25-19.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 21, 2025



Bryan Baginas

Photo : Nagtulungan sa mahigpit na depensa sina  #1 Siebe Korenblek at #10 Tom Koops ng Netherlands kontra sa matinding pag-atake ng katunggaling si Murat Yenipazar ng Turkey sa kasagsagan ng kanilang aksyon sa round-of-16 ng FIVB Volleyball Men's World Championship 2025 sa MOA Arena, Pasay City kahapon. (Reymundo Nillama)



Laro ngayong Linggo– MOA

3:30 PM Argentina vs. Italya

8:00 PM Belgium vs. Finland 

      

Patuloy ang milagrong lakbay ng Turkiye sa FIVB Volleyball Men’s World Championship Philippine 2025 kahapon sa MOA Arena.  Naging unang nakapasok sa quarterfinals ang mga Turko matapos pauwiin ang The Netherlands sa apat na set – 27-29, 25-23, 25-16 at 25-19 – sa pambungad na laro ng Round of 16.

     

Ipinagpag ng Turkiye ang mabagal na simula at kinuha ang pagkakataon sa tila pagod na Dutch.  Sumandal ang mga Dutch kay Michiel Ahyi at depensa ni Cornelis van Der Ent upang makuha ang unang set subalit ang Turkiye ang nagdikta ang agos mula roon.

     

Namayagpag si 6’11” Adis Lagumdzija na may 28 puntos mula sa 25 atake para sa mga Turko.  Malaki rin ang ambag nina Ramazan Efe Mandiraci na may 15, Mirza Lagumdzija na may 13 at Bedirhan Bulbul na may 12.

     

Nagtapos si Ahyi na may 21 mula 20 atake.  Tanging si Tom Koops ang may higit 10 na may 14. 

      

Hihintayin na ng mga Turko ang mananalo sa pagitan ng Canada at numero uno sa FIVB Ranking Poland na tinatapos kagabi.  Ang laro ay nakatakda sa Miyerkules. 

       

Ito ang unang pagkakataon na nakapasok ang Turkiye sa quarterfinals.  Bago nito, ika-11 ang pinakamataas nilang naabot noong huling edisyon noong 2022 na ginanap sa Poland at Slovenia. 

      

Sisimulan ng Italya ang pormal na pagdepensa sa kanilang korona kontra Argentina.  Maliban sa pag-ulit hahanapin nila ang ika-limang kampeonato na hinigitan ng anim ng nabuwag na Soviet Union. 

       

Pumangalawa ang Italya sa Pool F kung saan dinaig nila ang Ukraine at Algeria pero nadapa sa Belgium.  Malinis ang Argentina sa Pool C laban sa Finland, Pransiya at Timog Korea.

       

Sa tampok na laro, magsusubukan ang Belgium at Finland.  Ang mananaig ang haharapin ang Italya o Argentina sa quarterfinals ngayong Miyerkules sa parehong palaruan.


 
 

by Info @Sports News | September 20, 2025



Vince Dizon

Photo File: Volleyball World



Para kay Alas Pilipinas captain Bryan Bagunas, ang 2025 FIVB Men’s World Championship experience ay habambuhay niyang bibitbitin dahil aniya’y “hindi lang dahil World Championship ito, pero dahil comeback ko rin ito after my injury.”


Kasabay nito, inihayag din ni Bryan kung gaano siya ka-proud sa kanyang teammates na nakasama niya sa journey, “Ibinuhos namin lahat ng meron kami, and even if the result wasn’t what we expected, reaching this far was already beyond what we once imagined. Alam ko sa puso ko na binigay namin ang lahat.”


Pinasalamatan din ni Bryan ang mga tumulong sa kanya sa laban na ito, maging ang kababayan, aniya, “Kayo ang naging strength namin in our lowest moment. Hindi man namin nakuha ang ending na gusto namin, we carried the pride of the Philippines on that court.”


“This World Championship will always be remembered not for how it ended, but for how much we fought, how much we believed, and how much we grew together as Team Alas Pilipinas,” dagdag pa nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page