top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

US gymnast positibo sa COVID-19 sa Tokyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | July 21, 2021



Isang babaeng gymnast mula sa United States (US) ang pinakabagong nagpositibo sa coronavirus, ayon sa opisyal ng siyudad kung saan nanatili at nag-eensayo ang koponan ng atleta.


Hindi naman pinangalanan ng opisyal mula sa probinsiya ng Inzai sa Tokyo ang gymnast at sinabi lang na teenager ito at naniniwala silang mayroon lang itong isang nakasalamuha. Ayaw ding linawin ng opisyal kung ang gymnast ay sa main team o isang alternate.


Malabo naman umanong ang sikat na si Simone Biles ang nagpositibo dahil ang dominanteng women's gymnastics ay nasa edad 24 habang dalawa pang miyembro ng gymnast team na sina Sunisa Lee at Grace McCallum, parehong 18.


Ayon sa ulat, apat sa alternates na papalit sakaling magpositibo sa virus ang kanilang main team members na mga teenager. Nag-post si Lee ng video sa Instagram na nagpapakita na ang tatlong team members ay nakangiti na may caption na "Tokyo bound." Sunod na post nito ay nagpapakita na nakatayo na sila sa harap ng Olympic Village. Dumaraan umano sa simple saliva screening ang mga atleta at kapag nagpositibo ay isinasailalim ito sa mas detalyadong PCR test para sa kumpirmasyon. Kasalukuyan umanong nananatili sa kanilang hotel sa Tokyo ang nagpositibong atleta at ang kanyang nakasalamuha, habang ang buong team na sasabak sa kompetisyon ay nakapasok na sa Tokyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page