US, China, nagkasundo sa 1 taong peace agreement — PBBM
- BULGAR
- 28 minutes ago
- 1 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 1, 2025

Photo: File
Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang impormasyong natanggap nila matapos ang pagpupulong nina United States (US) President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping kung saan nagkasundo umano ang dalawang bansa na magkaroon ng 1 taong peace agreement.
“The best information I got says that they have declared peace for at least a year,” ayon kay PBBM.
Dagdag pa niya, “So, the trade war will be less intense at least for a year or at least the agreement.”
“Ang usapan nila for a year, we hope it last a year, but medyo nakahinga ang buong mundo dahil medyo nagkaayusan, kahit na hindi kumpleto, nagkaayusan ang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo,” saad pa nito.




