Dagdag-singil ngayong Marso... Kuryente, tataas pa sa Abril dahil sa giyera
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | March 11, 2026

Photo: File
Panibagong dagdag-pasanin sa budget ang aasahan ngayong Marso matapos ianunsiyo ng Manila Electric Company ang pagtaas sa singil sa kuryente ng P0.64 per kilowatt-hour.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ang taas-singil sa kuryente ay dahil sa pagtaas ng transmission charges.
Dahil dito, madadagdagan aniya ng P0.64 ang kasalukuyang rate na P13.82 per kwh na magreresulta sa mas mataas na bill sa kuryente.
Agad nilinaw ni Zaldarriaga na ang taas-singil sa kuryente ay walang kinalaman sa nagaganap na tensyon sa Middle East, dahil sa Abril pa ito mararamdaman.
Para sa mga kumukunsumo ng 200 kwh kada buwan, madadagdagan ang kanilang bill ng P129; para sa umaabot ng 300 kwh ang konsumo, may dagdag na P193 sa kanilang March bill; para sa kumukunsumo ng 400 kwh, madadagdagan ng P257 ang kanilang bayarin, at para sa 500 kwh ang konsumo ang kanilang dagdag sa babayarang bill ay P321.
Sinabi ng Meralco official na sa Abril pa mararamdaman ang epekto sa electricity bill ng nagaganap na giyera sa Middle East dahil tataas ang halaga ng coal at natural gas na pangunahing ginagamit ng maraming power plants sa Luzon.




Comments