top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

US at Israel, joint forces sa pagwakas ng nuclear threat ng Iran

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @World News | May 26, 2026



Benjamin Netanyahu at Donald Trump - FB


Sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu nitong Linggo na nagkasundo sila ni US President Donald Trump na anumang pinal na kasunduan sa Iran ay dapat tuluyang wakasan ang umano’y nuclear threat ng Islamic republic.


Ayon kay Netanyahu, nakausap niya si Trump noong Sabado ng gabi sa isang pag-uusap na nauna nang inilarawan ng Amerika bilang “napakaganda.”


Kabilang umano sa kanilang napagkasunduan ang pagbuwag sa uranium enrichment facilities ng Iran at ang pag-aalis ng enriched nuclear materials mula sa teritoryo nito.

Binigyang-diin din ng Israeli leader na pareho ang kanilang posisyon ni Trump na hindi dapat magkaroon ng nuclear weapons ang Iran.


Napag-usapan din umano ng dalawang lider ang memorandum of understanding kaugnay ng muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta sa pandaigdigang kalakalan at suplay ng langis.


Dagdag pa ni Netanyahu, nananatiling matatag ang alyansa ng Israel at Estados Unidos, lalo na sa usapin ng seguridad at depensa laban sa mga banta sa rehiyon, kabilang na umano ang sitwasyon sa Lebanon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page