top of page
Search

ni Angel Fernando @News | Jan. 16, 2025


Photo File: AFP / Circulated


Pinaigting pa ng Israel ang mga pag-atake sa Gaza ilang oras matapos ianunsyo ang kasunduan ng tigil-putukan at pagpapalaya ng mga bihag, ayon sa mga residente at opisyal sa Palestinian enclave.


Ang komplikadong kasunduang ito sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hamas, na may kontrol sa Gaza, ay inilabas nu'ng Miyerkules matapos ang ilang buwang pag-uusap ng Qatar, Egypt, at United States (US).


Layon ng nasabing kasunduan na tapusin ang 15-buwang matinding karahasan na sumira sa coastal territory at nagpalala ng tensyon sa Middle East.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | Dec. 30, 2024



Photo: Benjamin Netanyahu


Nasa maayos na kalagayan ang Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu matapos ang matagumpay na operasyon sa kanyang prostate, ayon sa kanyang tanggapan nitong Linggo.


"The Prime Minister has now been transferred to a protected underground recovery unit. He is expected to remain in the hospital for observation in the next few days," pahayag ng kanyang opisina.


Dinala si Netanyahu sa ospital upang sumailalim sa operasyon para tanggalin ang kanyang prostate nitong Linggo, matapos siyang ma-diagnose na may impeksyon sa ihi na dulot ng benign prostate enlargement, ayon pa sa kanyang tanggapan.

 
 

ni Angela Fernando @World News | Dec. 3, 2024



Photo: Dahiyeh suburbs sa Beirut - Bilal Hussein / AP Photo / Associated Press


Nasawi ang 11 sibilyan at 3 ang sugatan nu'ng Lunes sa muling pag-atake ng Israel sa dalawang bayan sa southern Lebanon, ang Talousa at Haris, ayon sa ulat ng mga lokal na opisyal.


Kinumpirma ng Israeli military na tinarget nila ang dose-dosenang posisyon ng Hezbollah sa iba’t ibang bahagi ng Lebanon.


Samantala, iniulat din ng mga otoridad ng Lebanon ang pagkamatay ng dalawa pang indibidwal sa ibang bahagi ng southern Lebanon, kabilang ang isang miyembro ng state security na nasawi habang nasa tungkulin.


Ito ay kasunod ng akusasyon ng Hezbollah na lumabag ang Israel sa kasunduang tigil-putukan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page